Chapter 34

21.6K 446 87
                                    

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Inabala ko ang sarili ko sa mga trabaho sa office at maging sa site. Last Wednesday kasi ay bumalik kami ni Jia kasama si Loel sa Palawan para tignan ang progress ng construction. Pagdating namin doon ay wala kaming inaksayang oras. Kinabukasan ay umuwi rin ako, ngunit naiwan si Jia. Napagkasunduan kasi namin na siya na muna ang maiiwan doon para mag-supervise. She volunteered dahil susunod naman daw sa kanya si Miguel doon so they could spend time together. Opportunity na rin daw 'yon para makapagbakasyon dahil matagal na simula noong last time silang nag-out of town.

Maaga akong pumasok ngayon dahil may mga papers na binigay sa akin si Papa pagkabalik ko ng Manila kahapon. Isa-isa kong binasa iyon pero kahit isa ay walang pumapasok sa isip ko. Masyado akong preoccupied sa mga nangyari last Tuesday.

Pagtapos namin ihatid si Sam sa school ay kinausap ni Bea ang teacher nito. Sinabi niya na si Deanna ang susundo sa bata after her classes. Umaga kasi ang flight ni Deanna pabalik ng Manila at tinawagan niya si Bea para sabihin na didiretso siya sa school ni Sam at siya na ang susundo dito.

Nagpaalam naman ako kay Sam at nag-promise na bibisitahin ko siya kapag nagkaroon ako ng free time sa trabaho. Tuwang-tuwa naman itong yumakap sa akin at humalik sa aking pisngi.

Nang makarating kami sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan papasok. Pagtapos ay umikot siya sa driver's seat. Binuksan niya ang pinto at pumasok na rin sa sasakyan.

Umayos siya ng upo at nilingon ako. "I missed you." Seryosong sabi niya sa akin.

Humarap ako sa kanya. Napangisi na lang ako. "You missed me? Eh, kagabi pa tayo magkasama."

"I'm with you nga but I wasn't able to sleep next to you naman. Si Sammy kasi, eh." Ngumuso siya. Para siyang bata na inagawan ng candy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa. Beatriz is acting so cute. Bakit pakiramdam ko ay pinagseselosan niya si Sam.

"Wait. Don't tell me pati si Sam pinagseselosan mo?" Kunot noong tanong ko. Hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko na matawang muli.

Marahan siyang tumango. "Slight." Sagot niya. She paused for a moment. "I should be the one cuddling with you overnight kasi pero si Sammy yung katabi mo."

Napailing na lamang ako. Matapos ko kasing magpalit ng damit pantulog ay agad akong tumabi kay Sam para makapagpahinga na. Bea on the other hand decided to sleep on her couch. Malikot daw kasi matulog si Sam at hindi kami kakasya kung tatabihan niya pa kaming dalawa.

"Pati bata pinagseselosan mo." Natatawang sabi ko.

"Hey, that's normal!" Depensa niya. "Remember what I told you last time? Gusto ko akin ka lang. I'm not good at sharing kaya."

Hinaplos ko ang braso niya. Pagtapos ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Ang cute mo, Beatriz! Nakakainis!"

Buong byahe namin papunta sa office ay puno lang ng tawanan at asaran. Inihatid niya pa ako sa lobby kahit na sinabi kong kaya ko ng mag-isa. Maglalakad na sana ako papunta sa elevator ng hawakan niya ang braso ko at pigilan ako.

"Jho. . .are you free this coming Friday night?" Tanong niya.

"I guess so. Nandito naman ako no'n kasi Thursday afternoon naman ang balik ko from Palawan. Bakit mo natanong?"

Begin AgainWhere stories live. Discover now