"Jhoana, wake up." May malamig na hiningang dumampi sa leeg ko. Hindi ko 'yon pinansin dahil inaantok pa rin ako at gusto ko pa makabawi ng tulog sa pagpupuyat na ginawa ko kagabi.
"Jho, you'll be late for work. Ang sabi mo sa akin kagabi gisingin kita kapag nauna akong magising sa'yo." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. Marahan niyang tinapik ang mukha ko. "Natulungan ko na si Manang magprepare ng breakfast pero inaantok ka pa rin? Ang hina mo naman pala sa puyat."
"Uhm..." Umungol ako at ibinaon ang aking mukha sa unan. "Ten minutes pa, please."
"Come on, Jho." Tinawanan niya lang ako. Hindi pa rin ako bumabangon. Sobrang inaantok pa rin ako at gusto ko pang kumuha ng tulog. "Wake up. Could you please cut that 'ten minutes extension of yours'. You'll be late for work. Sige ka."
Hindi ko siya pinansin at niyakap ko lang ang unan ko ng mahigpit. Biglang nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya iyon. Sa wakas ay itinigil na niya ang panggigising sa akin. Hinihila na naman ako ng antok at alam kong wala talagang makakapigil sa akin ngayon. Kung hindi lang kasi kami inabot ng madaling araw sa pagkukwentuhan ay siguradong maaga naman ako magigising.
Wala pang sampung minuto ang lumipas nang maramdaman ko na naman ang pag-upo niya sa kabilang side ng kama. Tahimik lang siya at hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil nakatalikod ako sa kanya. The next thing I knew, bigla na lang niya akong kiniliti kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga. Tuluyan ng nagising ang diwa ko at napilitang idilat ang aking mga mata.
Ang una kong nakita ay ang nakangisi niyang mukha. Her chinita eyes intently looking at me. Medyo na-conscious tuloy ako dahil sa itsura ko ngayon. But since I was able to tell her my 'super sawi love story' last night, wala na akong pakialam kung makita niya ang 'woke up like this' face ko. I won't even mind if I looked like a mess right now.
"Bea naman, inaantok pa ako." I whispered. Wala pa akong energy. Pumikit ako muli at sumandal sa headboard. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"Sorry if napuyat ka last night." Mahina ang kanyang boses at marahan ang kanyang pagkakasabi.
"Uhm, okay. Just let me have some sleep again." Mahina kong tugon. Akmang mahihiga ulit ako sa kama nang hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Tumayo siya at dahan-dahan akong hinatak patayo kasabay ng kanyang pagtawa.
"You're not going to sleep again, Jho. Baka sabihin ni Tita Lovel, bad influence ako sa'yo." Pumunta siya sa likod ko at marahan akong itinulak papalabas ng kwarto. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at paglakad niya pababa sa dining area. "Come on. Let's have some breakfast. Sa sobrang tagal mo gumising nakaalis na ang Mama at kapatid mo ng hindi ka man lang nakapag-good morning."
Pinaupo niya ako sa silya. Hinayaan ko ang sarili kong sumandal doon at ipinatong ko ang kanang kamay ko sa mesa.
"Gising ka na ba talaga? Para kasing naiwan mo yung kaluluwa mo sa kwarto?" Tanong niya.
"I'm fine." Humikab ako at pilit na isinasantabi ang nararamdaman kong antok. "Dapat kasi hinayaan mo na lang akong matulog. Istorbo ka."
"You know I can't do that. Ayaw ko naman na malate ka sa trabaho ng dahil sa akin." Tumayo siya sa gilid ko at sinimulang ayusin ang pinggan sa mesa. Siya ang bisita namin pero parang ako ang nasa bahay niya kung pagsilbihan niya ako.
Mataman ko siyang pinagmasdan. Ngayon ko lang napansin na basa ang kanyang buhok at mukhang katatapos lang niyang mag-shower. Suot niya ang denim shorts at white loose college shirt ko noon. Siguro ay sinabihan siya ni Mama na manguha na lang ng damit sa closet ko para may pamalit siya pagtapos niya maligo.
"Nakaligo ka na pala? Buti nagkasya sa'yo 'yang shorts ko? Eh, mas mataba ako sa'yo."
Binalingan ko sandali ang orasan na nakasabit sa dingding ng dining area namin. 6AM pa lang pala. Nakakapagtaka na parang sanay siya na gumising ng ganito ka-aga samantalang halos abutin na raw siya minsan ng madaling araw kapag may gig siya.