"Are you okay?" Tanong ko kay Bea.
"Yeah." Bumuntong hininga siya.
Nakaunan ako sa kanyang dibdib habang nakasandal siya sa headboard. Ramdam ko ang paglalaro niya sa buhok ko gamit ang kanyang daliri. Nakayakap ako sa isang braso niya at ang isa ay nakapatong sa tiyan ko.
"Sorry."
"For what?" I asked.
"Sorry for what I did last night."
Pumikit ako at napabuntong hininga. Hindi ko magawang tignan siya. Nagpapasalamat na lang ako at medyo madilim pa dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya hindi niya makikita ang pamumula ng aking mukha.
I can clearly remember what happened last night. Mula sa kung paano niya ako naihiga sa kama hanggang sa kung paano niya nagawang tanggalin ang suot kong spaghetti strap sando ng walang kahirap-hirap. Even the way she kissed me passionately and how I responded to her kisses with the same intensity that she's giving me. Ramdam na ramdam ko pa rin 'yon hanggang ngayon.
We're almost there nang biglang may kumatok sa pintuan.
Dali-dali kaming napabangon at nag-ayos. Naiwan akong nakaupo sa kama habang si Bea naman ang nagbukas ng pinto.
Iniluwa no'n ang bagong gising na Ella de Jesus. Dala-dala niya ang cellphone ko at ibinigay 'yon sa akin. Ilang beses na raw kasing tumatawag si Mama at nang mabasa niya ang sticky note na iniwan ko ay agad siyang nagpunta sa kwarto ni Beatriz para ibigay sa akin ang phone ko.
Nang tuluyang makaalis si Ate Ella kagabi ay nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung bakit hinayaan kong umabot sa gano'n. Wala naman talagang nangyaring hihigit pa sa halik, pero nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili.
"Hindi naman natin sinasadya, eh." Bulong ko. Alam ko sa sarili kong may parte ako sa nangyari kagabi. Hinayaan ko nga siyang halikan ako, 'di ba? Kung hindi nga dumating si Shaba kagabi ay malamang naisuko ko na ang dapat isuko.
"I know. But I should've controlled myself. Nadala kasi ako."
"Parehas lang naman tayong nawalan ng control."
"But I'm really glad na dumating si Ate Ella. At least, she was able to stop us. Alam mo 'yon? Siya yung naging way para ma-realize natin na hindi pa right time for that." Bahagya siyang napangisi. "Bigla kong naisip yung parents mo at yung magiging reaction nila pag nalaman nilang may ginawa akong kalokohan sa anak nila."
Humalukipkip ako at napailing. Kinagat ko ang aking labi. So, hindi lang pala ako ang nag-isip sa magiging reaksyon nila Mama at Papa kung sakaling natuloy 'yon.
"Promise, I'll control myself starting today."
"Dapat lang." Pairap kong sagot.
"But you need to control yourself too. Huwag mo akong tini-tempt."
Nanlaki ang mata ko. Hinila ko ang buhok niya. Napadaing siya ng mahina. "Ako? Tini-tempt kita? Wow, ha. Sino bang unang humalik? Ikaw, 'di ba?"
"You kissed me back kaya. . ." Bulong niya. "I heard you moan pa nga, eh."
Natahimik ako. Oo na! Aaminin ko ng sobrang nadala talaga ako. Pero yung ako ang nang-tempt sa kanya? Hindi naman ata totoo 'yon.
Naramdaman ko ang pagdantay ng ulo niya sa ulo ko. "Pero talaga bang sasama ka sa parents mo to attend your ex-boyfriend's sister's birthday party?"
Tumingala ako sa kanya. "I need to. Hindi ko naman matatanggihan sila Mama."
"Baka naman pwedeng huwag na lang."