Natapos ang dinner pero hindi pa rin nagsi-uwi ang mga bisita nila Mama at Papa. May sari-sarili silang kwentuhan. Nakita ko rin si Beatriz na nakikipagtawanan kina Ate Ella, Jia at sa iba ko pang mga kaibigan. Hinayaan ko na lang muna siya. Nakakatuwa kasing pagmasdan na kasundo niya ang mga taong malalapit sa buhay ko. Okay na sana dahil nandito si Beatriz, pero hindi ko maiwasang mainis dahil nandito rin si Ged.
Naisipan kong maglakad-lakad muna. Nakarating ako sa likod ng bahay, sa may pool area. Gusto ko dito. Mahangin at tahimik dahil ako lang ang tao.
Nang mapagod ako ay naupo ako sa gilid ng pool. Hinubad ko ang sapatos ko at inilublob ang aking mga paa sa tubig.
"Finally, tahimik na rin." Usal ko. Nakahinga ako ng maluwag. Pag nakikita ko kasi si Ged ay naiirita ako. Hindi ko magawang maging komportable.
Inalis ko ang pagkaka-clip ng buhok ko at sinuklay 'yon gamit ang aking kanang kamay.
Anong oras kaya aalis ang feelingero kong ex-boyfriend? Gusto ko sana sumama sa kwentuhan nila Ate Ella pero panigurado lalo lang ako mawawala sa mood dahil sa presensya niya.
"Hi." Muntik na akong mahulog sa pool nang biglang lumitaw si Ged sa tabi ko. Goodness! Iniiwasan ko na nga pero sinusundan pa rin ako.
"What are you doing here?" He asked.
Inirapan ko siya at inasikan. "Iniiwasan ka! Hindi pa ba obvious?"
Ngumisi siya. Mukhang balak niya talagang sirain ng tuluyan ang gabi ko. "Patabi ako, ha." Hinubad niya ang suot niyang sapatos at umupo rin sa tabi ko.
Nag-init lalo ang ulo ko. "Ang kapal naman ng mukha mo na tabihan ako."
"Bawal ba?"
"Oo!"
"Sinong nagsabi?"
"Ako!"
"Ikaw lang pala, eh. Okay lang 'yan."
Napanga-nga ako sa sinabi niya. Bastusan ba 'to?
"Ang galing mo talagang mang-inis, ano?"
"Hindi naman kita iniinis." Tinawanan niya lang ako.
"Pwede ba, Ged! Lumayo ka nga sa akin!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"I can't." He bit his lower lip and gave me a sad look.
"Ano ba talagang gusto mo?" Inis kong tanong sa kanya.
"Ikaw." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako nakareact agad. "I want you back, Jhoana."
Namula ako bigla. "Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Ged, okay na ako. I already moved on from you." Itinago ko ang kaba sa boses ko. Gosh! Ano ba 'tong nangyayari sa gabing 'to?
"Are you sure?" Seryosong tanong niya.
"Oo. Siguradong sigurado." Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hudas talaga ang isang 'to. Walang magawang matino sa buhay.
"But, I still love you." Umiling-iling siya. Ngumiti siya ng mapait. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Nabitin ang aking paghinga. Kung noon pa sana niya sinabi 'to, baka nagpa-party pa ako.
I bit my lower lip. "Ged, please lang. Itigil na natin 'to. Wala kang mapapala kasi may iba na akong gusto."
Iniwan ko siya sa pool side at nagtungo sa back door ng bahay. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig para inumin.
"I've been looking for you. Kanina pa."
Naging abnormal ang tibok ng puso ko.
"B-Beatriz?"