Chapter 38

16.7K 405 82
                                    

I'm still hugging Jho at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. I don't know what's running on her mind right now. I wanna know her thoughts. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman niya. Whenever she's being too sweet and clingy, I couldn't help but assume and expect that she loves me too.

I guess she really is, it's just that, she's in denial.

Huminga ako ng malalim. Parang kagabi lang ay halos manlumo ako sa nangyari sa aming dalawa. Naisip ko na naman yung mga sinabi ko kagabi—na walang kami.

Kahit naman sinabi ko 'yon ay hindi ko maloloko ang sarili ko. Alam kong meron. Yung mga titig niya, yung paghawak niya sa kamay ko, yung pagyakap niya sa akin. Lahat 'yon may something kahit hindi namin aminin.

What happened last night was heartbreaking. Ayoko na ulit mangyari yung eksenang ganoon. I don't wanna hear her say the word 'wala' when it comes to us.

Okay na ako sa malabo at hindi klaro basta alam kong merong kami. Kung alam niya lang sana kung gaano ako kabaliw sa kanya at kung gaano ko ka-gusto na akin lang siya.

I let out a deep sigh. "Stop crying. 'Cause if you won't, I'll kiss you."

Hinampas niya ako sa braso. Tumawa ako at inilayo ko siya sa katawan ko. Agad kaming bumalik sa normal. Tumigil na siya sa pag-iyak at nakikipagbiruan ng muli sa akin.

"Let's go? Labas tayo?"

"Saan?"

"Mad Mark's."

Inirapan niya ako. "Mag-aaya pala lumabas, hinintay pa akong makapagpalit ng damit." Inis niyang sabi sa akin.

I chuckled. "What you're wearing is fine. Mag-jacket ka lang and we're good to go."

Agad naman niya akong sinunod at kumuha ng jacket sa closet niya. Wala si Tita Lovel kaya kay Jaja na lang kami nagpaalam. Pa-gabi na rin kasi at hindi ako sigurado kung anong oras kami makakauwi.

Nang makarating kami sa Mad Mark's ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Tumakbo siya papasok sa loob. Hindi man lang niya ako hinintay na pagbuksan siya ng pinto. Nag-order ako ng favorite niyang Half-Baked Madagascar at Machawaited naman ang sa akin.

"Wala ka bang gig mamaya?" Kaswal na tanong ni Jho.

"Why? Do you want to spend more time with me ba? Na-miss mo ako?" Kumindat ako sa kanya. Tinaas ko ang hawak kong kutsara.

"B-Bea nga. Pa-kindat kindat ka pa d'yan." Nag-iwas siya ng tingin na ikinatawa ko.

"Hey, huwag ka na mahiya. Ako lang naman ang makakaalam."

"Hay nako, Beatriz! Ewan ko sa'yo! Bahala ka na nga." Hindi na siya muling nagsalita. She continued eating her ice cream.

"Okay, fine. Wala akong gig tonight." Huminga ako ng malalim. "I asked Kianns to cancel my gig it. I told her na pupuntahan kita since hindi tayo okay. Pumayag naman siya, she said si Deanns na lang muna ang papalit sa akin. Hindi kasi ako makatiis na hindi ka makausap. I felt so incomplete. Sobrang may kulang."

Napanganga siya sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang pamumula sa kanyang mukha. Lihim akong napangiti nang makita ko ang kanyang reaksyon.

"Gusto ko pa. Bili mo pa ako. Caramel and Clover Cream naman." Utos niya.

Tumayo ako at agad na sinunod ang gusto niya. Nag-order ulit ako ng ice cream para sa kanya. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at ngumingiti. Pinanood ko na lamang siya habang masaya siyang kumakain.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe pabalik sa kanila. Tanging ang tugtog lang ng stereo ang maririnig. I parked my car in front of their house. Papalabas na sana ako para pagbuksan siya ng pinto nang magsalita siya.

"Thanks for everything, Bei, and sorry din about what happened last night." Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. "Kanina ko pa sana gustong mag-sorry sa'yo kasi ako naman talaga ang may kasalanan." Napakagat siya sa kanyang labi. I was pissed and a little bit frustrated last night but I can't just point a finger on her. Masyado ko siyang mahal para sisihin ko siya sa bagay na alam kong hindi naman niya sinasadyang gawin. And besides, parehas lang naman kaming may kasalanan.

"Hindi ko naman talaga in-entertain si Ged last night. It's just that nandoon din siya at nakita niya ako. I'll admit, we talked. Pero 'yon lang 'yon. Wala ng iba." She started explaining. "Tinanong niya ako kung mahal kita." Tumingin siyang muli sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. "What's your answer?"

"Wala. H-hindi ako nakasagot." Mahina niyang tugon. Tumango ako ng hindi bumabaling sa kanya. "Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Hindi ako sanay sa ganito. First time ko 'to Beatriz."

Naramdaman ko ang frustration niya. Gusto niyang ipaliwanag ang side niya kahit hindi ko naman 'yon hinihingi.

"Paano ko naman sasabihin sa kanya na mahal kita kung sa'yo nga mismo hindi ko masabi?" Umiwas siya ng tingin.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.

"If I. . .tell you I love you, what will you do?"

I froze. Napabaling ako sa kanya at bahagyang nanlaki ang mata. Tama ba ako ng narinig? Totoo ba 'to?

Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay. I want to hug and kiss her right now but I want to hear her confirmation first.

Damn, Jhoana. I swear, if you'll tell me that you love me too, I won't be able to stop myself anymore.

"B-Beatriz, I. . .love you."

Hindi ako sumagot agad. Niyakap ko siya ng mahigpit. "What did you just said?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko. Yumuko siya at tinitigan ako. Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Sabi ko, mahal kita, Beatriz."

Natulala ako. I can't describe how fast my heartbeat was. This is the best feeling ever. My best moment with her, so far. I'm just simply happy. Finally. The long wait is over. I finally got her assurance and confirmation. Iba pa rin talaga pag naririnig mo kaysa nag-aassume ka lang sa mga galaw niya.

"B-Beatriz. . .ano na? Wala ka man lang bang sasabi—"

Nabitin ang pagsasalita niya ng higitin ko ang kanyang batok at halikan siya. Sa tuwing maglalapat ang mga labi namin, pakiramdam ko ay mawawala ako sa aking sarili.

Nakakabaliw ang halik niya. She has the softest and sweetest lips. At tuwing mangyayari 'to ay nasa todo ang pagpipigil ko.

When the kiss ended, I hugged her immediately.

"I love you more, Jho." I whispered in her ear and I swear, I felt her shiver.

Begin AgainWhere stories live. Discover now