Chapter 43

17.8K 400 79
                                    

"Jhoana Louisse." Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang marahang pagtawag ni Papa sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay bumaba lahat ng dugo ko sa talampakan dahil sa sobrang kaba ngayong kaharap namin siya ni Beatriz.

Yumuko ako at pinagsalikop ang aking mga kamay habang si Bea naman ay nakaayos lang ng upo sa tabi ko at parang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Papa.

Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang paglipat-lipat ng tingin ni Papa sa aming dalawa. Halos lahat ata ng santo ay natawag ko na. Maging si St. Benedict at St. Scholastica ay hiningan ko na ng tulong para lang mailigtas ako sa kung ano man ang mangyayari sa akin pagkatapos ng pag-uusap na 'to. Kulang na lang ay isama ko sa mga dasal ko ang 'That in all things, God may be glorified'  kahit hindi naman 'yon appropriate sa sitwasyon ko ngayon. Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako sisikatan ng araw bukas.

"Jhoana Louisse." Muling tawag ni Papa sa pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang seryosong mukha ni Papa.

Hindi ko maiwasang mapalunok nang makita ko ang pagbaling niya ng tingin kay Beatriz. Kasunod noon ay ang pagbanggit rin niya sa pangalan nito. "Beatriz."

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko kasi ano mang oras ay pwede akong atakihin sa puso. Mukhang ang katapusan ng lahat ng ito ay mamamatay ako ng maaga dahil sa sobrang nerbyos.

"Ano yung inabutan ko kanina? Anong meron sa niyong dalawa?"

Tumikhim ako. "Papa. . .ano po. . .kasi po. . .yung naabutan niyo po k-kanina—"

"We're together, Tito John." Pagputol ni Beatriz sa sasabihin ko.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Halos manlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang diretso niyang pagsagot sa tanong ni Papa. Bumubwelo pa lang ako pero naunahan na naman ako ng pagiging straight-forward ni Beatriz. Parang hindi nga siya kinabahan sa pag-amin na ginawa niya.

Ibinaling kong muli ang tingin ko kay Papa. Wala na naman sa loob akong napalunok. Napatulala siya sa amin ni Beatriz at halata ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Kayong dalawa ni Jhoana?" Pag-uulit ni Papa.

"Yes po, Tito." Sagot muli ni Beatriz. Napayuko na lang ulit ako. Hindi na ata kailangan ang presensya ko dito. Mukhang kaya naman na ni Beatriz ipaliwanag lahat sa tatay ko.

"Since when? Gaano na kayo katagal?"

"One month na po kahapon, Tito."

"One month na?" Kunot noong tanong ni Papa. "Bakit wala kayong sinabi sa akin?"

Naramdaman ko ang paghawak ni Beatriz sa kamay ko bago siya sumagot. "Sorry po, Tito." She said.

"Jhoana Louisse." Tawag sa akin ni Papa sa pangatlong pagkakataon.

"Papa?" Nanatili akong nakayuko at hindi makatingin sa kanya. Hindi ako sanay na tinatawag ako ni Papa sa buong pangalan ko. Tinatawag niya lang akong Jhoana Louisse kapag may nagagawa akong kasalanan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?"

"Sorry po, Pa." Nag-angat ako ng ulo at tumingin sa kanya. Hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. "N-natatakot po kasi ako sa magiging reaksyon niyo. Natatakot ako sa sasabihin niyo sa akin kaya kay Mama at Jaja ko lang po nasabi ang tungkol dito. Sorry po talaga, Pa."

Tinitigan ako ng matagal ni Papa. Hinigpitan naman ni Beatriz ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngumiti siya ng tipid nang bumaling ako sa kanya. She mouthed 'I got you'. Kahit papaano ay nabawasan noon ang kaba na nararamdaman ko.

Nang bumaling akong muli kay Papa ay nakita kong nakatitig siya sa magkahawak naming kamay ni Beatriz. Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko na naman ang pagtikhim ni Papa.

Begin AgainWhere stories live. Discover now