Chapter 68

10.8K 244 73
                                    

"Jhow?"

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang boses ni Jamie.

"Are you okay? You haven't eat anything pa raw since you woke up?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Napairap na lang ako nang makita kong nakasilip mula sa pinto ang pinsan niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Jamie. Pagkatapos ay lumingon sa direksyon ng pinsan. "Ysay, what did you do?"

"Nothing." Natatawang pumasok si Ysay. "Wala pa akong ginagawa."

Matalim na tingin ang binato ko sa kanya bago muling bumaling kay Jamie. Naiinis pa rin ako sa engkwentro namin kanina.

"B-bakit ka nandito?" Titig na titig na tanong ko sa kanya. "And how can I be sure that you're Jamie's cousin?" Umurong ako at tumingin-tingin sa paligid bago pinagmasdan ang lalaking nagpakilala sa pangalang Ysay. Marahan siyang napailing sa tanong ko. Nang makabawi ay nakangisi niyang inabot ang kanyang cellphone at pinatay ang tugtog. Sandali pa siyang may tinignan doon bago muling bumaling sa akin.

"Are these enough proofs?" Tanong niya sa akin. Iniharap niya ang hawak niyang phone at ipinakita ang ilang pictures kung saan kasama niya si Jamie. Kinuha ko naman 'yon sa kanya para tignan ng malapitan.

"Let's say na pinsan mo nga si Jamie, pero ano naman ang ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Paying her a visit? But unfortunately, she's not here. That's why you're stuck here with me until she gets home." Ngumisi siya at saka sumandal sa upuan. "And oh, are you sick? Broken-hearted? Or what? Because she asked me to look after you."

Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Bakit kailangang ibilin pa ako sa kanya ni Jamie? Hindi naman ako bata na kailangan pang bantayan. At lalong hindi ko ata kakayanin na makasama siya dito habang naghihintay kami kay Jamie. Pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo. Masyado siyang presko magsalita.

Inabot niya ang bowl na may lamang pasta at nilagyan ang plato na nasa harap ko. "Eat. I cooked this for you."

"Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. Kaya ko ang sarili ko." Inirapan ko siya. Lumabas ako ng kusina at nagtungo sa sala.

Ilang sandali pa lang ang nakakalipas ay naramdaman ko na ang pagsunod niya sa akin.

"May nasabi ba akong masama?" Lumapit siya sa akin at humalukipkip sa harap ko. "My cousin will get mad at me if you won't eat. Tara na. Bumalik ka na ro'n sa kitchen."

"Hindi ako gutom." Inirapan ko siyang muli.

"Let me guess. You're broken-hearted? Maybe your partner cheated on you and you cried all night that's why you look a bit wasted right now. And maybe that's the reason too kung bakit ayaw mong kumain." Tuloy-tuloy na sabi niya. Matalim na tingin lang ang naibalik ko. "Am I right?"

Parang nanghinang muli ang buong sistema ko. Ang maalala ang nangyari sa amin ni Beatriz ay nakakapagpasikip sa dibdib ko.

"Tama ako, 'di ba? Ganyan naman ang karaniwang nangyayari. Mamahalin mo ng sobra, ibibigay mo lahat, but at the end of the day lolokohin at sasaktan ka lang. Pag kaharap ka sinasabing mahal ka. Pero once na hindi na kayo magkasama, yung atensyon niya napupunta sa iba. Same old fucked up love story. Such a waste of time and feelings. So dramatic—"

Napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin niyang umiiyak ako. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking sarili sa malakas na paghikbi. Gusto ko siyang sapakin dahil sa mga sinabi niya. Walang preno ang kanyang bibig. And it got me offended. Bawat salita niya ay parang bala ng baril na diretsong tumatama sa puso ko.

Begin AgainWhere stories live. Discover now