Matapos namin magkwentuhan ni Marge ay nagkayayaan kaming mag-ikot muna sa mall. Maaga pa naman at 7:30PM pa ang usapan namin na magkita-kita sa club na sinasabi niya. Kagaya ng gusto ni Marge ay ako na ang nagtext kina Jia at Ate Ella. Buti na lang at walang lakad si Jia at Miguel ngayong gabi kaya makakasama siya sa amin. Si Ate Ella naman ay palaging 'g' lalo na kapag libre. Si Marge naman ang nagtext kina Jirah at Gizelle. Pumayag naman ang dalawa at sa club na lang din daw sila dideresto. Sa ngayon, kami na lang muna ni Marge ang sabay na nag-dinner.
Napagkasunduan naming sa McDo na lang kumain dahil nagki-crave raw ng McDo fries si Marge. Saglit lang ang itinagal namin do'n at naisipan na naming umalis. Nagtext na rin kasi sila Jia na papunta na sila sa club. Mabuti na lang at naisipan kong dress ang isuot kanina bago ako pumasok sa office, at least hindi na namin kailangan dumaan ni Marge sa bahay para magpalit.
Nang makarating kami sa The Palace ay nakaabang na sina Jirah at Gizelle sa entrance. Halos kasabay lang rin namin na dumating sina Ate Ella.
"Uy, Marge. Anong pinakain mo dito kay Jho at napapayag mong sumama mag-club? Bibili ako ng marami at ipapakain ko sa kanya palagi para sumama siya sa atin ng madalas pag pumaparty tayo." Natatawang tanong ni Ate Ella. Nagtawanan rin ang iba dahil sa pang-aasar niya.
Totoo naman kasi na hindi ako mahilig pumunta sa ganitong lugar. Ayaw ko kasi ng masyadong maingay at higit sa lahat, hindi ako mahilig uminom. Nadala na kasi ako nung huling nag-club kami. Fourth-year college ata ako no'n at talagang nalasing ako. Hindi ko nga matandaan kinabukasan kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Hindi ko rin kinaya ang hangover kaya hindi na ako umulit. Kung hindi lang talaga ako nabadtrip ngayong araw na 'to, malamang nasa bahay na ako ngayon at wala dito.
"Nako, Ate Ells, tigilan mo si Jho. Kanina pa badtrip 'yan. Baka biglang mag-expire yung libre niya sa atin for tonight. Ayaw mo naman siguro mag-KKB, 'di ba?" Sagot ni Marge.
"Ay, joke lang 'yon bebe Jho. Tara na, pasok na tayo sa loob." Pag-aaya ni Ate Ella at nag-cling pa sa braso ko.
Pagpasok namin sa club ay medyo madami ng tao. Pumwesto kami malapit sa stage dahil may ipapakilala raw sa amin si Marge.
After settling ay nag-start na kaming mag-order. Tropical and frozen drinks lang like mojito and frozen sangria ang in-order namin ni Jia alongside our favorite tuna and salmon sashimi. Samantalang yung apat ay hard liqueurs agad ang gusto. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila ang lasa ng vodka at whisky. For sure mag-uuwi kami ni Jia ng mga kaibigan naming lasinggera mamaya.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan ng mapansin ni Jirah na wala ang isang pares ng hikaw ko. Agad nilang hinanap 'yon sa paligid ng pwesto namin. I also decided to go back to the parking lot to check if do'n ko siya naiwan sa sasakyan.
I searched for it sa driver's seat and passesnger's seat. I even checked the backseat kahit alam kong imposible na mapunta 'yon doon dahil hindi naman ako pumasok sa backseat ng sasakyan ko ngayong araw. I just can't lose that earring. Sobrang memorable no'n for me at meron siyang sentimental value dahil regalo 'yon sa akin ni Mama for my 18th birthday.
I was in the middle of searching when a tall girl approached me and offered her help. And thank heavens dahil mabilis niyang nakita ang hikaw ko. Wow lang, kasi kanina pa ako naghahanap tapos siya lang pala ang makakakita no'n. Nagpasalamat ako sa kanya and I was about to ask her name pero bigla na lang siyang umalis at pumasok sa club.
Pagbalik ko sa pool club ay napansin kong naghahanap pa rin sila Jia. I told them to stop dahil nakita ko na ang hikaw ko. Naikwento ko rin sa kanila na may tumulong sa akin kaya nahanap ko agad 'yon.