"Let's visit Mom and Dad tomorrow." She mumbled between our kisses. Natigilan ako at muling napadilat kaya tumigil rin siya.
"B-bukas? Agad-agad?"
Tumango siya. "I want them to know the good news as soon as possible."
"H-hindi ba pwedeng sa weekend na lang natin sabihin kila Tita Det at Tito Elmer?"
"This can't wait, Love. Hindi naman 'to yung first time na pupunta ka sa bahay. Don't worry, I'm sure they'll be happy for us." Inilagay niya sa likod ng tainga ko ang iilang buhok na tumatabon sa aking mukha dahil sa ihip ng hangin at saka ngumiti ng matamis.
I nodded. Alam kong hindi magagawang tumutol ng mga magulang ni Beatriz sa relasyon namin. They're vocal on how much they like me for their daughter. Nahihiya lang ako na tanggap na tanggap kami sa side niya, habang ako, hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang sabihin kay Papa ang tungkol sa aming dalawa ni Bea.
Hinalikan niya akong muli. Magaan at maingat. She's so gentle and that makes me ask for more. Pagdating kay Beatriz ay parang wala akong kasawaan. Pag siya ang kasama ko ay nawawalan ako ng pakialam sa ibang bagay. Tila humihinto ang oras.
Nang makabalik kami sa pool area ay inabutan namin si Ate Ella at Ate Mika na nagtatawanan. Malaki ang ngisi sa kanilang mukha at nagpapalipat-lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Beatriz.
"Uhm, ano nang nangyari Bei-Bei? Successful ba?" Ngumisi ng nakakaloko si Ate Mika. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin.
Tumawa si Bea at tumingin sa akin na mas lalong ikinapula ng aking mukha.
"Girlfriend ko na si Jhoana."
Napanganga at nanlaki ang mga mata ni Ate Mika. Pagtapos ay lumapit siya kay Beatriz at ginulo ang buhok nito.
"For real?" Bumaling sa akin si Ate Ella. Inabot niya ang magkabilang kamay ko at tinignan iyon. "Hindi ka man lang binigyan ng singsing ni Beadel? Yung parang seal na official na kayo, ganern?"
Nagkatinginan kami ni Beatriz. Tumikhim siya at napaiwas ako ng tingin. Wala sa loob akong napahawak sa ibinigay niyang locket sa akin at napansin 'yon ni Ate Ells.
"Ano ba 'yan, Beadel. Bakit locket ang binigay mo kay Jho? Sabi ko sa'yo singsing ang bilhin mo para mas romantic." Bulalas ni Ate Ella. Para siyang nanay na nagsesermon dahil hindi sinunod ng anak niya ang bilin niya dito. Muntik na akong matawa.
Pinitik ni Beatriz ang noo ni Ate Ells. "Ang OA, Ate Ells. Next time na yung singsing pag wedding proposal na."
Napanganga si Ate Ella. "Hala, grabe siya. Kakasagot pa lang sa'yo ni Shaba pero kasal na agad ang iniisip mo. Nakakaloka." Napahawak siya sa kanyang noo. "My God, Jhoana Louisse. Ikaw na nga bahala dito sa girlfriend mo. Hindi ko na siya kinakaya."
Tinapik ni Ate Ella ang balikat ni Beatriz. "Ang mabuti pa mag-order na lang kami ni Mika ng dinner tapos ipa-charge namin sa'yo. Pang-talent fee mo na lang sa lahat ng preparation namin para sa surprise mo kay Shaba. Grabe kaya effort namin, kaya dapat busugin mo kami." Naiiling na sabi ni Ate Ella.
"G lang, Ate Ells. Order anything you want. Akong bahala." Nagkibit-balikat si Beatriz.
Nagkatinginan naman si Ate Ella at Ate Mika. Ngumisi silang dalawa. "Ang yaman talaga ng papi na 'to." Bumaling si Ate Ella kay Bea at dumila. "Pero tinipid mo pa rin si Shaba. Locket pa rin ang binigay mo at hindi singsing. Ako sa'yo, Shaba, hihiwalayan ko na agad 'yan. Ang daming budget sa bulaklak pero walang budget para sa singsing."
"Love—" Tatawa-tawa kaming tinalikuran nila Ate Ella at Ate Mika bago pa maituloy ni Beatriz ang sasabihin niya. Nang lumapit sa akin si Bea ay may pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Do you want to have a ring?"
Natawa naman ako. Mukhang gumana ang pang-aasar ni Ate Ells sa kanya. Niyakap ko siya at marahang umiling. "You're more than enough, Beatriz. Kahit walang locket or singsing, okay lang. Inaasar ka lang ni Shaba."
"Ang kulit talaga ni Ate Ells." Napabuntong hininga siya pagtapos ay hinalikan ang aking ulo. "Do you want to call your barkada? Si Jia? Sila Marge? Or maybe you wanna call and tell it to Jaja and Tita Lovel first?"
"I'll call Jia and Marge later." Nakangiti kong sabi. Mas minabuti kong huwag na lang muna sabihin kay Mama at Jaja ang nangyari ngayong gabi. Gusto ko kasing sabihin sa kanila ng personal na kami na ni Beatriz.
Pumasok ako sa loob ng kubo na nirentahan ni Bea para makapagpahinga. Kasama niya pa rin hanggang ngayon sila Ate Ella sa pool side. Dito rin sila magpapalipas ng gabi at sa kabilang kubo sila mag-stay.
Nang makaupo ako sa kama ay inuna kong tawagan si Marge. Nabigla siya at hindi nakapagsalita ng ilang minuto. She congratulates me at sinabing mag-seset daw siya ng gathering para makapag-celebrate kami kasama ang buong barkada.
Matapos namin mag-usap ni Marge ay sinunod ko ng tawagan si Jia. Hindi na siya nabigla nang sabihin kong sinagot ko na si Beatriz.
"May balak ka na bang sabihin 'to kay Tito John? I know mahirap ang umamin, pero kasi bes, deserve rin ni Beadel ang maipakilala sa magulang. Yung ganyang klase ng tao, hindi dapat 'yan tinatago."
Huminga ako ng malalim at tumingala sa kisame. "I know, Ju. Natatakot lang kasi talaga ako."
"Have you tried giving hints about it kahit minsan lang pag magkasama kayo ni Tito?" Hindi ako sumagot. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Jia sa kabilang linya. "Yung totoo, bes, may balak ka ba talagang sabihin kay Tito John ang tungkol sa inyo ni Bea?"
"Hindi ko alam kung paano, Ju. Alam mong malaki ang chance na hindi kami matanggap ni Papa."
"I get your point but don't you think it's a little bit unfair sa part ni Bea?"
Gusto ko pa sanang magsalita pero alam kong tama ang lahat ng sinabi ni Jia. Paano kung magsawa na lang si Beatriz at iwan niya ako dahil sa sobrang tagal kong makakuha ng lakas ng loob para umamin kay Papa?
"Sorry, Jho. I know I shouldn't be stressing you out lalo na't kakasagot mo lang kay Bea, but I'm just giving you a part of my thoughts. Best friend mo ako, and I only want what's best for you. Mahal ka ni Tito John, and I'm sure, kahit hindi madali, he'll find a way para matanggap kayo. Favorite ka kaya no'n."
"Thanks, Ju."
"You're always welcome. You know that. I'll go na. May tatapusin pa ako para sa project. Uhm, and Jho. . ."
"Uhm?"
"Congratulations. I'm so happy for you."
Napangiti ako sa kawalan. "Thanks again, Ju."
Binaba ko ang tawag at nakita ko si Beatriz na nakasilip mula sa pintuan. Nakahalukipkip siya at mataman na nakatingin sa akin. Ngumiti siya. "Done talking to Jia?"
I nodded. "Yes."
Mabilis na lumipas ang oras. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Hindi namin namalayang papalalim na ang gabi. Nang magpasya si Ate Mika na mag-aya ng magpahinga ay napilitan na kaming tumigil sa pag-uusap.
"Magpahinga ka na, Shaba." Tinapik ni Ate Ella ang balikat ko. "Matulog kayo, ah. Inuulit ko, matulog kayong dalawa ni Beadel. Huwag kung anu-ano pa ang gawin." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Hinanap ko si Beatriz at natagpuan ko siya na may kausap sa balcony. Naka-loud speaker ang phone niya at rinig ko ang boses ni Kianna.
"May pa-surprise pala for Jho pero hindi man lang kami sinabihan ni Deanna. Nakakapagtampo ha." Ani Kianna.
"Sorry, Kianns." Bumuntong hininga si Beatriz at napangiti ng tipid. "Hindi ko kayo sinabihan kasi sa sampung surprises na ginawa niyo para sa akin, lahat 'yon nalaman ko agad kaya kay Ate Ye at Ate Ells na lang ako nagpatulong." Pagpapaliwanag niya.
"Oo na. Point taken." Natatawang sagot ni Kianna.
Umatras ako at saka tumalikod. Hindi ko na tinapos ang pakikinig sa usapan nila. Tingin ko'y dapat ko na lang hintayin si Beatriz sa kwarto. Ngunit nakatulugan ko na ang paghihintay sa kanya.