Chapter 8

20K 386 29
                                    

Matapos ang konting kwentuhan ay napagpasyahan na namin umuwi. Nag-aya na kasi si Jia dahil may pasok pa kami kinabukasan at medyo marami na rin ang nainom nila Ate Ella at Marge. Knowing Ate Ells, wala siyang self-control when it comes to drinking liqueurs at pag hindi pa kami umalis sa club na 'to ngayon ay malaki ang possibility na hindi siya makapasok sa trabaho bukas at baka gumagapang siyang umuwi sa kanila. I've known better. Ilang taon na kaming magkaibigan at ilang beses ko na rin siyang nakitang wasted noong college pa kami and I'm pretty sure applicable pa rin 'yon hanggang ngayon. Wala namang nagbago.

Sabay-sabay kaming umalis sa parking lot. Maging sila Kianna at Bea ay kasabay rin namin umalis.

Mag-isa na lang ako ngayon sa sasakyan dahil kina Jirah at Gizelle sumabay si Marge. Madaraanan kasi nila pauwi ang condo unit ni Marge. Si Jia naman ang maghahatid kay Ate Ella dahil sa iisang village lang sila nakatira.

Nang makarating ako sa bahay ay tulog na sila Mama. Pag weekdays kasi ay maagang natutulog ang mga tao dito sa bahay. Kahit ang kasambahay namin ay nagpapahinga rin agad kapag natatapos niya ng maaga ang mga gawaing bahay.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at inayos ang aking sarili bago nahiga sa kama. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to at kailangan ko na ng pahinga.

"Ate, gising na."

Rinig kong sabi ni Jaja habang marahang tinatapik ang aking pisngi. Anong oras na ba? Bakit pakiramdam ko ay sandali pa lang akong natutulog?

"Ja, ten minutes pa please." Nagtalukbong ako ng kumot at hinila naman niya 'yon.

"Luh? Huwag ka ng mag-extend. 6:30 na kaya. Malapit na matapos yung breakfast na niluluto ni Mama. Baba ka na."

Bumangon ako at sumandal sa headboard. Saglit kong kinusot ang mga mata kong nanghihingi pa rin ng tulog hanggang ngayon. Kasalanan talaga 'to ni Marge. Hindi na talaga ulit ako lalabas kapag may pasok kinabukasan. Wala nga akong naging problema sa hangover, pero puyat naman akong papasok sa trabaho.

"Susunod na ako. Maliligo lang ako saglit para mawala 'tong antok ko."

Pagkasabi ko no'n ay tumango lang si Jaja at lumabas na ng kwarto ko. Nagmamadali akong pumasok sa banyo dahil ngayon lang nag-sink in sa akin ang sinabi ng kapatid ko na 6:30 na ng umaga. Kung hindi ko bibilisan ang pagkilos ay siguradong malelate ako sa trabaho. 'Yon pa naman ang pinakaayaw ko dahil hindi ko gustong isipin ng mga empleyado ni Papa na okay lang na late akong pumasok dahil anak naman ako ng may-ari ng kumpanya.

Sandali akong naligo at nag-ayos ng sarili bago bumaba sa dining area. Binitbit ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko sa opisina para makaalis ako agad pagtapos kong kumain.

"Good morning, Ma, Pa." Bati ko sa kanila bago naupo sa tabi ni Jaja.

"Good morning, anak." Bati ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. "Late ka ata ng gising ngayon? Anong oras ka ba nakauwi kagabi?"

"10:30 na po ata? Hindi ko na napansin." Sagot ko.

"Bakit nga pala kayo lumabas kagabi nila Julia? Hindi niyo na hinintay ang weekend. Alam niyo naman na may trabaho kayo kinabukasan." Paglilitanya pa niya habang matamang nakikinig lang sila Papa at Jaja.

Sasagutin ko na sana ang tanong ni Mama pero naunahan ako magsalita ni Papa.

"Inaantok ka pa ba? Pwede ka naman magpahinga ngayon dahil natapos mo na kahapon yung mga pinapagawa ko sa'yo."

"Hindi na po, Pa. I need to discuss something to Jia. May added request po kasi si Mr. De Leon sa project namin. I also need to make some sample drafts para mapadala ko na agad sa kanila within this week. Uuwi na lang po agad ako pag natapos na namin ni Jia 'yon."

Begin AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora