Chapter 30

17.8K 402 43
                                    

I went home immediately after kong maihatid si Jho sa kanila. Dumiretso agad ako sa kwarto. Para akong tanga na ngumingiti mag-isa. I can still feel the kilig right now, the same intensity of it na ipinaramdam sa akin ni Jhoana kanina.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang tumunog ang cellphone ko.

I checked my phone. Kianna sent me a message.

From: Kianna Dy

Where are you, Bei?

Kinuha ko ang unan ko. I hugged it as tight as I could. I replied to her a few seconds after.

To: Kianna Dy

I just got home, Kianns. What about you? If you're not busy, punta ka naman dito sa unit ko.

From: Kianna Dy

I was about to tell you that. Inunahan mo lang ako. Wala naman kasi akong magawa dito sa bahay. Wait for me.

Sumandal ako sa headboard at inisip ulit ang mga nangyari kanina. It was a good idea na pupunta dito si Kianna. At least, I can let this out. She's the best person to talk to about this right now.

Wala pang thirty minutes ay nakarating na si Kianna sa unit ko. May dala siyang pizza and doughnuts. Natawa ako nang dalhin namin 'yon sa kwarto.

"Pizza na naman, Kianns? Hindi ka ba nagsasawa dito?" Pang-aasar ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Come on, Bei. Pizza is life kaya. And if I know ineexpect mo palagi na may dala akong pizza every time na pupunta ako dito sa unit mo." Naiiling niyang sabi.

Nilapag ko sa side table ang pagkain. Pagtapos ay kumuha ako ng canned beers sa ref. Pagbalik ko sa kwarto ay umupo ako sa kama. Ibinagsak naman ni Kianna ang kanyang sarili sa aking tabi. Binuksan ko ang box ng pizza at kumuha nang isang slice ro'n.

"Saan ka galing kanina?"

Kumuha rin si Kianna ng pizza. Binuksan niya ang isang beer. Matapos niyang uminom doon ay saka lang ako sumagot sa kanyang tanong.

"I went on a date. . .with Jho."

"Wow, ha! Kaya naman pala ang blooming mo kahit 10PM na." Bahagyang tumawa si Kianna. "Care to share what happened?"

Ngumiti ako. Bakas ang nakakalokong expression sa mukha ni Kianna.

"Jhoana kissed me."

Nanlaki ang mata ni Kianna at wala sa loob na naibaba ang hawak niyang pizza sa box. Inubos ko ang akin at saka uminom ng beer.

"She did?"

Tumango ako. "I can't explain the feeling, Kianns. All I know is, I'm happy. I am genuinely happy right now."

"Oh, my God!" Napatakip si Kianna sa kanyang bibig. Nilingon ko siya at saka nginitian.

"Ganito ba talaga kapag in love?" I bit my lower lip. "I thought I wouldn't experience this. All this time, tama ka pala. Masarap pala talaga magmahal."

Napangiti si Kianna na tila masayang masaya para sa akin.

"I'm so happy for you, Bei." Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay. "Finally, nahanap mo na ang babaeng magpapasaya sa'yo. We've been waiting for this. . .kaming dalawa ni Deanna."

Binitiwan niya ang kamay ko at saka yumakap sa akin. Pagkalipas ng ilang sandali ay kumalas rin siya sa pagkakayakap.

"Umpisa pa lang talaga ramdam ko nang gusto mo si Jho. Imagine, nagawa ka niya agad mapag-sleepover sa bahay nila. Take note, one week pa lang ata kayong magkakilala noon. And the way na ikwento mo siya sa amin nung last time na galing tayo sa bahay niyo, kahit todo tanggi ka pa noon, iba naman yung sinasabi ng mga mata mo. Tapos nung nawala si Jho sa Bacolod for three hours, yung itsura mo that time, grabe. Kulang na lang pati sa loob ng gubat hanapin mo siya."

Begin AgainWhere stories live. Discover now