"I need to go back. Baka kanina pa ako hinahanap nila Jia. Nice seeing you, Maddy. Have a good night." Pagtapos no'n ay tinalikuran ko na sila at mabilis akong naglakad palayo. Hindi pa man ako nakakalayo ay may tumawag ulit sa pangalan ko. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na kailangang itanong kung sino 'yon.
"Jhoana."
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Kulang na lang ay kumaripas ako ng takbo pabalik sa tent namin. Mabilis na nakapantay sa akin si Ged ngunit hindi ko siya pinapansin.
"Jho."
"Huwag mo akong kausapin."
"Pero nag-uusap na tayo ngayon." Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakangisi siya sa akin. Mas lalo tuloy akong nainis na hindi agad ako umalis nang makita ko si Maddy.
"Huwag mo akong sundan, please. Balikan mo na ang kapatid mo."
"Anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba niya sa usapan. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Who's with you? Bakit iniiwasan mo ako?"
Parang tanga pala 'to. Bakit ko daw siya iniiwasan? Hello? Ilang buwan kaming hindi nagkita tapos kakausapin niya ako ngayon na parang walang nangyari eight months ago. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na irapan siya. "At talagang may gana ka pang magtanong kung bakit ako umiiwas sa'yo when you obviously knew the reason why."
Huminto ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya. "It has been months, Jho. Can we at least be friends? Para namang wala tayong pinagsamahan n'yan."
Nagsalubong ang kilay ko. "Matagal ng tapos yung pinagsamahan nating sinasabi mo."
"Ang sungit mo but I like you that way." Natawa siya at humalukipkip. "I missed you."
Umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Napalunok ako at napaatras hanggang sa mapatulala na lang sa mukha niya. Nang subukan niyang lumapit sa akin ay umatras ulit ako at mabilis na tumakbo.
"Jho." Natawa siya at hinabol ako. I didn't know why I run. All the logical reasons vanished from my mind. He was like an innocent predator and I was his prey who foolishly pretended to be brave. But in the end, tuluyan akong tinakasan ng tapang at parang tangang tumakbo na lang palayo.
Ilang beses akong muntik matapilok sa buhangin at napapasigaw talaga ako. Sobrang lakas naman ng tawa ni Ged. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa siya. I'm not even sure kung sayang-saya siya na makitang tumatakbo ako o dahil ilang beses akong muntikang matapilok. Nang mapagod ako ay kumuha ako ng ilang malalaking bato at akmang ibabato sa kanya.
Huminto siya at itinaas ang kanyang dalawang kamay. "Masakit 'yan, Jho."
Binato ko siya ng tatlong beses. Ang una at pangalawa ay sablay pero ang pangatlo ay tumama sa kanyang braso na naging dahilan ng pagdaing niya.
Tumakbo ulit ako at hinabol niya pa rin ako. "Ano ba, Ged? Pwede ba huwag mo akong habulin." Sigaw ko habang tumatakbo.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Sigaw niya rin pabalik. I started to panic dahil malapit na siya.
Pumulot ulit ako ng bato at ibinato sa kanya. Mas kinabahan ako dahil ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Konti na lang ay maaabutan na niya ako. Nagmamadali akong tumalikod pero bigla niyang hinila ang baywang ko at wala akong ibang nagawa kung hindi ang hampasin siya. Bakit ba kasi naisipan ko pang lumayo sa tent namin? Ito tuloy ang napala ko.
"Let's talk." Sabi niya habang hinihila ako papasok sa gubat. Pakiramdam ko ay namumutla na ako ngayon sa kaba.
"Ano bang ginagawa mo? Saan mo ba ako dadalhin, Ged?"
KAMU SEDANG MEMBACA
Begin Again
Fiksi PenggemarBut on a Wednesday in a café, I watched it begin again-