LIANNA's POV
Sa pagtapak ko sa paaralang ito lahat ay mababago.
Ako si Lianna Mondarez, isang plant manipulator.
Mula sa matayog na bakod at bakal na tarangkahan ay nakatayo ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa loob. Napakalaking mga gusali, malawak na damuhan at tamang laki ng mga daanan.
Hahawakan ko na sana ang tarangkahan nang kusa lang itong bumukas at lumantad sa akin ang kabuuan ng harap ng paaralan.
Sa pinakagitna ay nakatayo ang isang gusali na may apat na palapag. Sa pinakataas ng palapag ay may makikitang white crystal at sa baba nito ay ang malaking salamin na sinakop ang buong palapag.
Unang hakbang ko pa lang ay nakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan, isang barrier. Mahigpit ang paaralan at dalawang barrier pa ang ginamit, sa labas at sa loob.
Iba ang atmosphere dito sa loob kesa sa labas nakakagaan sa katawan.
Saan nga pala ang office ng Headmistress rito?
Sa totoo lang napakaganda dito sa paligid, puno ng mga halamang nakapulupot sa pader at iba - ibang bulaklak pati puno. Ano ba yan naeexcite tuloy akong hawakan sila. Tapos may mga makikinang na paru-paru pang lumilipad-lipad. Nakakamangha!
"New student?"
Napatingin naman ako dun sa nagsalita sa bandang likuran ko. Nakita ko ang isang babaeng nakatayo malapit sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot. Mga nasa 30 na yata ang edad nya. Bumagay sa ganda niya ang black na black na kulay ng kanyang mahabang wavy hair.
"Follow me."
Pagkasabi n'yang 'yon ay nagsimula na syang lumakad at sumunod naman ako. Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad, nakukuha ng mga halaman ang atensyon ko.
"We're here."
Ito na siguro ang office niya. Agad nya namang binuksan ang pinto at nauna syang pumasok kaya sumunod naman ako.
Maganda ang office, may mga paintings na mga bulaklak pero isa lang ang nakakuha ng pansin ko. Isang larawan ng buong paaralan, sa baba nito ay may nakalagay na lettering ng 'White Academy'.
"Sit down, young lady."
Napaharap naman ako sa kanya di ko pa kasi alam ang pangalan nya at umupo sa sofa.
"By the way, My name is Sapphire Willtez, the headmistress of the Academy." Pakilala nya habang nakatingin sa akin mula sa table nyang inuupuan. Yung mga tingin nya ay parang sinusuri ako.
"Fill up this paper then I'll give you your things." May inabot naman syang papel sa akin at agad ko naman itong nilagyan ng hinihining impormasyon.
Habang nagsasagot ay nararamdaman kong nakatingin sya sa akin. Hindi ba bago sa kanya na may mag-transfer dito? Nang matapos ay ibinigay ko sa kanya. Inilagay nya lang ito sa tabi nya at may kinuha sa drawer nya.
"Take this." May inabot naman sya sa aking gold envelope.
"Nandyan ang susi ng magiging dorm mo at kung saan ito, the rules, your schedule and iyong paunang allowance mo." Aniya at ngumiti sa akin.
"What's your name, iha?"
"Lianna Mondarez po."
"Welcome to the White Academy, Lianna!"
"Thank you po."
"You may go."
Lumabas naman ako pagkatapos kong magpaalam. Ano kayang magiging buhay ko dito?
Siguro ay sanayin ko na ang sarili ko sa paaralang ito dahil hindi katulad ng mga dati kong nakakasalamuha ang mga estudyante dito.
HM SAPPHIRE's POV:
"Hindi nyo pag-aari, hindi rin nila pag-aari.
Ngunit kasinungalinga'y naghahari sa puso nitong kapuri-puri.
Nabuhay sya para maghari,
Hindi para gawing halili.Ang pagkakamali'y may kaakibat na parusa.
Walang makakatakas, walang makakawala.
Buhay nya'y katumbas ng kapangyarihan ng lahat.
Lakas nya'y walang katapat."Ano kayang ibig sabihin ng mga salitang ito? Sino ang ipinahihiwatig nito? At bakit sinabi ito sa panaginip ko?
"HM Sapphire, may bago po tayong estudyante ngayon sa may gate." Sabi ng aking Fairy na si Farah.
"Ganun ba."
Sumilip naman ako sa bintanang nasa harap mismo ng aking table. Nakatayo sya sa may labas ng gate hanggang sa pumasok sya, halata sa kanya ang pagkamangha sa paligid.
"Wala naman akong naramdamang iba sa kanya malamang ay isa syang Whitens. Magpapaalam na po ako HM Sapphire." Paalam nito mula sa matining na boses na ikinatango ko.
Agad akong nag-teleport papunta sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya ay hindi nya ako napansin dahil abala sya sa kakatingin ng mga nasa paligid nya. Totoo ang sinabi ni Farah na walang ibang mararamdaman sa kanyang kakaiba.
Agad ko syang dinala sa aking opisina at binigay ang mga kailangan nya.
Umalis naman sya pagkatapos.Siguro'y ang kasama nya na lang sa dorm ang magpapaliwanag sa kanya ng iba pang dapat nyang malaman. Kapangyarihan nya mismo ang magsasabi kung saan sya nabibilang.
"HM Sapphire, masamang balita! umataki po ang mga Darkens sa dulong bahagi ng Satah City!"
"Alam na ba ito ng nakakataas?"
Tumango ito bago nagpaalam. Kung saan ang pasukan ay dun sila nanggugulo. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanila. Nagpaparamdam kung kailan nila gustuhin.
_______
Important Note:
To WA readers, before posting your comments, please, think first. May mga opinion na ki-ni-keep sa sarili at merong dapat ibahagi. Hindi ako nagde-delete ng mga comment pero kapag nakita kong wala nang respeto iyon sa akin, as a writer ng story'ng 'to at sa story mismo like magbanggit ng ibang story, characters, etc. sa comment section, please stop na.
Sinulat ko ang kwentong ito year 2016 (July ang tunay na month but pinublished ko ng October) at kung ipipilit nyong may kapareho ito or ipalabas na may ginaya ako please, think again.
Btw, hindi ako nagpo-promote ng mga story ko kasi ang gusto ko ang mga reader mismo ang makatuklas nito.
Thank you!
- btgkoorin
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...