Chapter 20: One on One Battle

104K 3.1K 384
                                    

LIANNA's POV

Natapos ang isang araw na puro tulog lang ang ginawa ko. Ganun din ang mga kagrupo ko.

At ngayon nga One on One Battle na.
Naeexcite ako.

Kakagising ko lang nga. Siguro si Jess tulog p-

"JESSICA GISING NA" sabi ko nga gising na sya.

Excited much ^__^
Nag-asikaso na ako. Pagkatapos ko ay niyaya ko na si Jess para pumunta sa gaganapan. Hindi na ako makapaghintay hihi.

CATHY's POV

Dito na kami sa may Battle Field.

Kaka-excite kaya mapanood ang laban.
Ok lang naman sa akin yung matanggal atleast may dagdag na level diba.

Saan na kaya sina Lianna saka si Jessica. At saka sino kaya yung magkakalaban.

"

Good Morning to all students.


Sisimulan na natin ang ika huling bahagi ng White Academy Battle. Ang labang ito ay hinati sa dalawang round, ang una at ang ikalawa. Ang dalawang natalo sa first round ay magkakamit ng isang level points at sa second round naman ay dalawang level points. Ang magwawagi naman ay magkakamit ng dagdag na tatlong level points. At kung sakali mang magkaroon ng tie ay magkakamit pa rin sila pareho ng tatlong level points.


Ang unang lalaban ay group 2 at 25. At ang huli ay ang group 1 at 5.


Goodluck students!"

anunsiyo ni HM Sapphire

Woah mauunang lumaban pala sina Lianna at kalaban nya pala si Jessica , maganda yun Sub-element manipulator vs. Sub- element manipulator.

Pumunta naman sila sa gitna.
Nakaupo kami sa pinakaharap nina Gel (AnGELica) at Clide.

Yung nakatayo lang yung apat na kalahok.

"Start"

"Bess Lianna makakalaban na din kita haha hinintay ko to"

"Ako din haha"

Pagkatapos nilang mag-usap biglang seryoso yung mga mukha nila.

Ano kayang mangyayari? ^__^?

"Ice Tiles"  Pagkasabi ni Jessica ay naging ice yung tinatapakan nila.

May lumabas naman sa dalawang kamay ni Lianna na mga tinik siguro mga apat na pulgada ang haba nakalagay ito kung saan sa mga buto na itinatama kapag sumusuntok.

Magandang laban.

"Ice Monsters" muling sambit ni Jessica.

Nagsilabasan sa ice tiles ang mga monster na pinalabas ni Jessica. Malalaki ito at puno ng yelong tinik sa buong katawan. Nakakatakot rin ang nanlilisik nitong mata.

"Rose Rope" pagkasabi nun ni Lianna ay nagbago ang anyo ng rose na kanina nang hawak niya. Naging latigo ito na puno ng tinik.

Sumugod naman yung mga Ice Monster kay Lianna, sya namang sinalubong yun.

Yung iba natamaan ni Lianna ng Rose Rope nya ay nababasag, minsan naman yung mga tinik nya sa kamao niya ang ginagamit nya.

Naubos naman lahat at basag basag na.
Nagsmirk naman si Jessica tapos yung mga nabasag kanina na Ice Monster kanina ay biglang nabuo ulit.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon