QUEEN KAYLAH FEIRRYSTAN's POVDumating na ang kinatatakutan ko. Ang araw ng digmaan sa pagitan namin at nang mga Darkenians. Muli na namang naulit ang dating pangyayari.
Ayos lang sana ang lahat sa Academy. Ang sentro ng pag-ataki ay nakatuon sa paaralan kaya marami ang ipinadala roon para protektahan ang mga bata. Ligtas rin ang siyudad sa tulong ng kapangyarihan ng mga malalakas na tagapagbantay ng lugar.
Pero hindi ko pweding balewalain na may malalakas rin sa Darkenians at posibleng kalaban na nila ang mga ito.
"Vanelle, Chirra tara dito sa loob ng aming kwarto"
Nag-alangan pa silang pumasok pero pumasok rin. Kailangan nilang bantayan ang parteng ito dahil sa dito nakatago ang simbolo ng Whitenians na gusto ring kunin ni Issana Dark. Bilang matatapat kong alagad ay sila ang pinagkatiwalaan ko.
Nasa baba ang aking asawa para haranagan ang mga nagtatangkang pasukin ang palasyo.
"Dito lamang kayo at ingatan iyan. Nasa labas lamang ako ng pinto" maingat silang tumango sa akin.
Sinarado ko ang pintuan at paglabas ko ay bumungad sa akin ang asawa kong mariing nakatingin sa nakahood sa harap niya. Hindi siay gumagalaw at ganun na lang ang gulat ko nang may talim ng espada sa kanyang leeg. At ang espadang iyon ay hawak ng nakahood.
"Sino ka?" kalmadong tanong sa kanya ng aking asawa. Unti unti akong lumapit sa aking asawa at pinagmasdan ang nasa harap. Babae.
Isang ngisi ang pinakawalan niya bago ibinaba ang espada. Mabilis na kumilos ang aking asawa para sugudin ang babae pero bigla itong nawala. Napatigil ako. Mainit na kapangyarihan mula sa talim ng espadang itim ang nasa leeg ko. Nasa likuran ko siya.
"Sino ka?" inulit ko ang tanong ng aking asawa.
Hindi ito umimik pero isang sigaw ang nakaagaw ng atensyon namin. Ang sigaw ay nagmula sa loob ng kwarto na pinag-iwanan ko ng dalawa.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Chirra na nakangisi habang hawak-hawak ang gintong kahon na naglalaman ng simbolo.
"Nasaan si Vanelle, Chirra?" tanong ko kahit na hindi pa rin ako pinakakawalan ng babaeng nasa likod ko.
Ngumisi ito at binigay ang hawak sa babaeng nasa likod ko. Nawala ito at nasa malayo na kasama si Chirra.
Traydor. Hindi ko akalaing sa matagal na pagkakakilala ko saka kanya ay nagawa niya akong pagtaksilan. Nanggagalaiti akong sumugod at tinira ng elemental ball ang dalawang kalaban.
"Ayos ka lang sweetheart?" tumango ako sa kanya.
"Ang simbolo kailangan nating kunin sa kanya"
Nagulat ako nang makita ang espadang itim na tumagos sa tiyan ni Chirra. Sumuka ito ng itim na dugo bago natumba at wala nang buhay.
"B-bakit mo pinatay si Chirra? Kakampi mo sya!" naguguluhan ako.
"Hindi niyo ba ako nakikilala, Mahal na Reyna at Hari? Hindi niyo ba nakikilala ang prinsesa ng kabilang kaharian?"
"Ulter Dark!" ngumisi ito.
"Kung ang sadya mo dito ay patayin kami ay hindi ko iyon pahihintulutan." itinago ako ng aking asawa sa kanyang likod.
"Ang aking ina ang may hangad na mawala kayo pati ang anak niyo." Keith! Kinabahan ako para sa aking anak.
Lumapit siya at inilahad ang amay na may hawak ng simbolo. Napa-atras kami ng aking asawa sa ginawa niya.
"Nang pumasok ako sa White Academy at maging estudyante ang unang layunin ko ay patayin ang inyong anak ngunit hindi ako nagtagumpay." nagulat ako sa narinig.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...