CATHY's POV
Tatlong araw na mula nang bumalik si Lianna. Walang pansinang naganap sa nagdaang araw. Mailap din siya sa amin. Halos di namin makita kapag may klase o makasalubong man.
Nung pagtapos ng breaktime hindi sya pumasok. At nagtataka ako kung bakit pinatawag siya ni HM Sapphire.
Alam kong galit pa rin yung ibang royalties at si Jess kay Lianna. Kaya parang wala lang sa kanila yung pagbabalik ni Lianna. Buti nga bumalik kesa sa hindi. Wala akong magagawa.
Pumasok naman kami ngayon.
Sa upuan na ni Lianna nakaupo si Zariah. Kasabay nga pala namin sya, dun kasi sya ngayon sa dorm namin natutulog sa may guest room, dahil nga kailangan namin syang bantayan. Hindi pa sya gaanong bihasa sa kapangyarihan nya kaya delikado pa. Pero nakuha pang hamunin si Ulter. Guko niya rin eh.
Dumating naman si Jess pero di nya kasama si Lianna. Tahimik lang siyang umupo sa kanyang upuan at malalim ang iniisip.
Maya-maya dumating na din si Ms. Callens.
Tapos sa likod nya s-si Lianna at naka-uniform sya. Mas lalo syang gumanda dahil sa buhok nya.
Wavy yung kalahating buhok nya na kulay puti at itim sa taas.
Binati siya ng guro namin pagtapos ay humanap siya ng mauupuan. May nakaupo kasi sa dating upuan nya.
Minsan nakikita ko sya sa pheriperal view ko na tumitingin sya sa amin ng panandalian. Namimiss ko na talaga sya.
Tapos naririnig ko pa si Zariah na kinakausap si Keith.
Langhiya naman oh, gusto ko na ulit mabalik yung loveteam na Keanna [Ke- KEith, anna- liANNA; read as Keyana] eh.
Sigurado ako marami rin ang may gusto. Kasi nga dahil kay Lianna nagbago yung prinsepeng dati ay masungit at walang pakialam sa iba.
Pagkatunog ng bell, pumunta sa amin si Lianna kaya lang biglang tumayo si Keith at hinila si Zariah, sumunod naman sina Blake, Angelica at Jess.
Lalapit na sana ako kay Lianna kaya lang bigla akong hinila ni Clide.
Habang hila-hila ako ni Clide nakatingin lang ako kay Lianna, bago pa man ako makalabas sa pinto nakita kong may luhang pumatak sa mata nya.
Hindi ko na napigilan napaluha na ako.
Wala na ba talaga sa kanila ang pinagsamahan nila ni Lianna?
"Wag mong sayangan ng luha ang taong umalis ng walang paalam"
"Kaibigan natin sya Clide, may dahilan sya kung bakit sya umalis" sabi ko sa kanya nang lumuluha.
"Anong dahilan Cathy?"
Napatahimik na lang ako.
Tuloy -tuloy lang kami hanggang makarating sa Canteen.
Hindi ko nga alam kung anong dahilan ni Lianna. Pero kahit na hindi naman tama yung iiwasan namin sya at hindi kakausapin.
Umupo naman kami sa upuan namin.
Pero ako nakatingin pa din sa pintuan ng canteen baka sakaling pumunta dito si Lianna.
Naaawa na ako sa kanya. Kung hindi lang hawak ni Clide yung kamay ko , kanina pa ako bumalik at puntahan si Lianna.
Nakita ko naman na pumasok na sya at kasama nya yung mga dati nyang ka grupo na sina Alkyl. Napatingin sya sa akin pero napaiwas din. Alam ko masakit para sa kanya yung ginawa namin.
Pumunta naman sila sa kuhaan ng pagkain at pumunta sa lamesa sa tabi namin, bakante kasi doon.
Papalampas na sina Lianna sa amin ng bigla syang napahatid sa tabi ni Zariah.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasiWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...