LIANNA's POV
"Lianna bukas nga pala yung Power Leveling." Ani Jess at tiningnan ako ng seryoso.
Kanina pa nya ako pinapaliwanagan ng mga rules dito sa school. Naglibot din kami at masasabi kong napakalaki at napakalawak ng school.
Sa pagod ay nagpapahinga na lang kami ngayon.
"Power Leveling?"
"Oo, ang Power Leveling ginaganap tuwing unang araw ng pasukan. Dito malalaman kung anong class ka mapupunta at dorm. Yung dorm room natin ay nababago kung nagbago din ang ating class."
"Ibig sabihin di pa ito ang tunay na room natin?" Nalilito kong tanong.
Pero bakit nagbigay agad ng susi para sa magiging dorm si HM Sapphire kung hindi naman pala sigurado at mababago kapag nakuha na ang result sa Power Leveling?
"Oo, kapag nakakuha ka ng level 70 above sa Gold class ka, 69 - 30 naman sa Silver Class ka, 29 below naman sa Bronze Class ka."
"Ang Class dito ay nahahati sa tatlo, tulad ng sabi ko ang gold, silver at bronze."
"Umpisa muna tayo sa Bronze Class, dito nakakapaloob yung mga hindi pa lumalabas at hindi pa nakokontrol ang powers. Hindi mo naman masabi na mahina sila kasi may mga kakayahan sila. Puro basic lamang ang tinuturo."
"Malalaman mo din kung sino sila sa pamamagitan sa uniform na suot nila.
Ang uniform ay nakabase kung anong class ka.""Sa Silver Class nakakapaloob dito yung kaya na nilang kontrolin ang kapangyarihan nila at mahuhusay na ngunit di gaano. Kailangan pa kasi nilang pag-aralan na iwasan ang hindi wastong paggamit nito dahil baka sila ang kontrolin ng kapangyarihan nila na talagang napakadelikado. Nakakasabay din sila sa Gold Class pero kailangan pa talaga ng ensayo."
"At ang huli naman ay ang Gold Class. Dito na nakakapaloob ang mga mahuhusay sa paggamit ng powers, kasama na dito ang mga Royalties. Sila yung mga kapangyarihan ay element. Kasama ang Whitens Prince dito. Makikilala mo din sila bukas dahil nandun sila. "
Tango lang ako ng tango sa sinasabi nya. Sana ay magkasama pa rin kami ni Jess, hindi lang sa magaan ang loob ko sa kanya kundi tinuring ko na rin siyang kaibigan sa loob ng paaralang ito.
"Oo nga pala yung sa iba mo pang gustong malaman about sa Academy na ito malalaman mo sa History subject natin." Tumango ako ulit.
Excited na ako para sa Power Leveling.
"Kung may kailangan ka pa punta ka na lang sa kwarto ko, sige ha." Tumango ako. Umakyat na sya sa hagdan at sigurado akong napagod sya sa paglibot namin kanina.
Sa sunod na lang siguro ako tatanong. Umakyat na rin ako sa kwarto at matutulog na lang.
Hindi na kailangan mag-ensayo. Bago pa ako pumasok sa school na ito ay hasa na ang kapangyarihan ko.
SOMEONE's POV
"Sino kaya yung green eyed girl na yun sa tingin mo Angelica?" Tiningnan ako ng nagtatanong na si Cathy.
"Aba malay ko, magkasama kaya tayo." Wala sa sariling sabi ko.
"Sorry naman, parang nakakaexcite naman na makilala sya, malakas kaya sya?" Ang kulit talaga.
"Tumahimik ka nga jan Cathy!"
"Paki-alam mo ba Clide ha, ikaw ang tumahimik dyan!"
Sa totoo lang paano ko ba mga naging kaibigan ang mga taong ito. Ang iingay. Jusko! Buti pa yung dalawa pa naming kasama ang tahimik.
Pero hayaan na siguro pampawala na lang ng pagod dahil sa ginawa namin kanina. Nakakapagod.
Iniisip ko din kung sino yung green eyed girl na yun. Kung bakit usap-usapan yun kanina sa Canteen. Grabe talaga kahimala na ang tahimik ng Canteen pagdating namin. Sandali lang ang ingay at agad ding nawala. Akala mo dinaanan ng kung anong mabuting hangin.
Sino kaya sya?
Green? Baka isa siyang Plant Manipulator?
Gaano kaya sya kalakas?
Ano kaya ang ginawa nya kanina bakit usap-usapan sya?
Bakit kaya parang habang tinatanong ko yang mga tanong na yan parang ang gaan ng loob ko sa kanya? Bakit kaya?
"Diba bukas na ang Power leveling." Tumingin ako kay Cathy dahil sa sinabi niya.
"Yeah," sang-ayon ko.
Naalala ko meron nga palang leveling bukas. Pasukan na talaga. Magsisimula na naman ang matabrahong taon. Hindi lang yun, ang pasukan ay tanda ng pagsisimula na naman ng pagpaparamdam at panggugulo ng mga Darkenians.
"Dark Ace." Wala sa sariling sabi ko. Ramdam ko ang titig nila sa akin at pagseryoso ng mukha nila.
Isang malaking banta sa amin ang Dark Ace. Lalo na ang anak ni Issana Dark na si Ulter Dark na leader ng grupo at prinsesa nila. Minsan na namin silang nakaharap at hindi na naulit iyon. Sa tuwing manggugulo ay hindi namin sila naaabutan. Lagi silang may suot na talukbong na natatakpan ang kalahati ng mukha nila. Lima rin sila gaya namin.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngisi sa labi ng isang Ulter Dark. Nakakatakot. Nakakakilabot.
"Tulog na ako ah. Good night sa inyo." Paalam ni Cathy sa amin.
Nawala ang tensyon sa pagitan namin at ngayon lang nakaramdam ng antok.
"Hatid na kita Cath." Pahayag ni Clide na binara agad ni Cathy.
"Che! Hatid mo mukha mo!" Umalis ito at sumunod naman si Clide.
Bakit ba may mga taong manhid di ba nila alam na may nasasaktan. May umaasa. Wala lang ba talaga sila pakiramdam o sadyang nagmamanhid- mahidan lang. Dahil ba takot masaktan?
"Mauna na ako."
"Ganun din ako."
Tumango ako kay Keith at Blake.
Makatulog na lang nga din ako. Ako na lang pala natira dito.Mga walang kwentang kaibigan, iniwan ako. Joke mga mahal ko 'yon. Silang apat lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa school kaya mahalaga sila para sa akin.
______
-btgkoorin
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasíaWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...