LIANNA's POV
"Lianna tara na" rinig kong tawag sa akin ni Jess mula sa labas.
"saglit lang" tumingin ako sa orasan at sampung minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin.
Agad naman akong bumaba at nakita ko naman agad si Jess. Naka-uniform na ito at hinihintay na lamang ako.
"tara na!" nakangiti kong sabi sa kanya at ganun din sya sa akin.
Nakarating naman kami ng maayos pero hingal na hingal kami, tumakbo ba naman haha. Hindi ko na naisip ang magteleport dahil masaya naman ang tumakbo at napapawisan.
Buti na lang pagpasok namin sa likod namin si Mrs. Callens. Hooo! muntik na kaming ma-late. History pala namin ngayon.
"Morning class" bati niya.
"Morning too Maam" bati rin namin.
"Alam kong alam nyo naman na tuwing unang klase ay muling ipinapaliwanag ang history ng ating mundo , kailangan ito para sa mga bago lang dito" aniya habang seryosong nakatingin sa amin, sa akin.
Hindi naman sa naeexcite ako sa History ng mundong ito. Alam ko na yung ibang detalye dahil nga nagbabasa ako ng mga libro.
"Ang mundong ating ginagalawan ay tinatawag na Exousa World, Exousa na ang ibig sabihin ay Power. Nilikha ito ni Goddess Lythianna. Para sa mga taong katulad nating may kakaibang kapangyarihan, may anak sya na nagngangalang Goddess Altherra at ang asawa nitong si Mirro na sya na ngayong nangangalaga at bumabantay sa Power tree na pinagmulan ng ating mga kapangyarihan."
Goddess Altherra?Goddess Lythianna?Mirro?parang may something na hindi ko maintindihan. Bigla na lang kumabog bigla yung dibdib ko. Sa tuwing nababasa ko ang pangalan nila ay ganito ang nararamdaman ko. Kumakabog sa hindi ko malamang dahilan.
"Ang Exousa ay pinamunuan ng mag-asawang Fierrystan o ang mga ninuno ng bagong reyna at hari ngayon sa basbas ng Goddess, ang Exousa din ay nahahati sa apat na Kingdom, ang Fire Kingdom na pinamumunuan ng mag-asawang Wensteril, ang Water Kingdom na pinamumunuan ng mag-asawang Gamstarden, ang Air Kingdom na pinamumunuan ng mag-asawang Terysgarf, at ang Earth Kingdom na pinamumunuan ng mag-asawang Fuerro."
"Ngunit nang magtagal ang pamumuno ng mga Fierrystan ay nagkaroon ng Exounians war sa pagitan ng Whitenians at Darkenians na pinamumunuan ni Issana Dark, sa kagustuhan nyang mamuno sa mundo ay bumuo sya ng sariling grupo na kinabibilangan ng mga Exounians na lumalabag sa mga batas at ginagamit ang kapangyarihan sa pagpaslang ng sariling lahi.
Ang Exounians War ay naganap bago pa man isilang ang mga Prinsepe at Prinsesa na sina Keith Fierrystan,Blake Wensteril, Clide Terysgarf, Angelica Gamstarden at si Cathy Fuerro, at mga dalaga at binata pa ang mga bagong hari at reyna ngayon. Naging maganda ang kinalabasan ng laban dahil natalo ang mga kampon ni Issana dark maging sya din ay natalo ng Great Fierrystan dahil sa taglay nitong apat na elemento na ipinangalaga ng goddess." Great Feirrystan, lola at lolo ni Prince Keith. Ang unang generation ng Feirrystan.
"Sa kabila ng pagkatalo ni Issanna ay bumuo ulit sya ng bagong kampon at namuno. Naging malakas sya at ang ilang katiwala ng mga hari't reyna ay sumapi sa kanya sa kadahilanang gustong maangkin at makuha ang pamumuno sa mundo. Naging mahina ang pamumuno ng hari't reyna dahil sa tuloy-tuloy ang pang sasakop ni Issanna Dark, hanggang sa nahati ang mundo sa dalawang Territory, ang Whitens Territory at ang Darkens Teritory
Tulad ng Whitens Territory ang Darkens territory ay may Academy din kung saan tinuturuan din doon na gamitin ang mga kapangyarihan, ngunit sa masamang paraan di tulad ng sa ating paaralan.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...