LIANNA's POV
Di ko inakala na ganito pala kaganda kapag nasa mismong mga building na ang kaharap ko. May mga naghahabulan sa hallway, may naglalaban sa grass area.
Oo nga pala, saan matatagpuan ang Gold Dorm? Nakakapagod din kasing magbitbit ng bag.
"Balita ko nasa Main Palace ngayun ang mga Royalties."
"Sana naman kaklase natin sila!"
"Dream come true na ba haha?"
Hindi naman masama ang makinig kung naririnig naman, mas lalong hindi masama ang magtanong.
"Uhm! Miss saan ba papunta dito ang gold dorm?" Tanong ko sa tatlong babaeng naglalakad. Mukhang nagulat yata sila sa pagtanong ko kaya hindi agad nakasagot.
"Bago lang ba ikaw dito ate?" Tanong ng babaeng hanggang balikat ang itim na buhok.
"Malamang Jehn, magtatanong ba yan kung alam niya?" Rinig kong bulong ng isang babae na mahaba ang buhok.
"Sorry naman, 'te samahan na lang namin ikaw," sabi nung babaeng sumagot kanina 'Jehn' ang pangalan.
"Di ba nakakaabala baka may gagawin pa kayo?" Tanong ko.
"Wala naman po ate," sagot nilang tatlo.
Maganda na rin siguro ng may kasama ako, mamaya kasi pag-ako lang baka kung saang lupalop na ako makarating kakahanap lang ng dorm na 'yan.
"Sige. Sabi nyo e." Ngumiti ako sa kanila.
Habang naglalakad marami na din kaming mga nadadaanan na building. Kaya lang wala dun ang atensyon ko kundi dun sa pinag-uusapan nila about sa mga Royalties. Na sana daw maging kaklase nila na kanina pa nila inuulit-ulit.
"Dito na tayo ate." Nakarating na pala kami di ko man lang napansin, sabi ko nga sakanila ako nakatutok. Or should I say sa pinag-uusapan nila.
"Salamat sa inyo!"
"Wala po 'yon. Mauna na po kami."
Paalam nila at saka umalis. Nagwave na lang ako ng kamay.
At ngayun harap sa dorm. Mukhang hindi ka malilito kung ito ang hahanapin mo pero dahil sa bago lang ako natural na maligaw ako. Gold ang kulay ng building at may taas na ilang palapag. Sa may pinakataas may nakalagay na Gold Stone tulad ng sa unang building na nakita ko pagpasok, o yung room ni HM Sapphire.
"Welcome to Gold Dorm!" Nakagulat naman ako sa pagsalubong sa akin pagpasok ko. Actually maliliit silang tao na may pakpak tapos yung kulay ng buhok, balat at kasuotan nila gold. O mas kilala bilang mga Fairy, ang tining ng boses nilang dalawa.
"Thank you!" Hindi ko mapigilang hawakan sila sa buhok. Ang cute nila.
"Ako pala si Fairy Yarah," sabi ng isang fairy sa kanan
"Ako naman si Fairy Marah." Kambal ba to?
"Kami pala maghahatid sa iyo sa dorm mo." Sabay nilang pahayag sa akin.
Tango na lang ang nasagot ko. Ang cute nilang dalawa sa tuwing lilipad sila may gold pixie dust na nalalaglag mula sa katawan nila.
Sumunod lang ako sa kanila. Marami kaming nakakasalubungan at panay bati naman ang dalawa.Baka sila ang bantay dito sa gold dorm kaya kilala sila.
Sumakay kami sa elevator papuntang second floor dun kasi matatagpuan yung room ko, scratch that room namin may kasama daw ako sa room.
Naglakad kami hanggang sa pinakadulong bahagi at tumigil sa isang pinto.
"Paalam na binibini!" Sabay nilang sabi saka lumipad pabalik sa elevator. Natatawa lang ako sa kanila kanina kailangan pang dalawa sila ang pumindot ng button. Nag-aagawan pa kala mo kaya yun pala hindi. Ang liliit kasi ng kamay. Nakakagigil ang cute nila.
Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay kung may bubukas. Ilang sandali lang ay bumukas ito at bumungad sa akin ang babaeng gulo-gulo ang buhok tapos sa bandang dulo nito ay kulay sky blue. Maganda ang hugis ng mukha, matangos na ilong at magandang pares na mata. Mukhang kakagising lang nya.
"Pasok." Sabi nya na halata ang pagka-antok sa boses.
Tanghali na kaya. Nga pala, wala pa ngayong klase kaya siguro tanghali na sya magising, kapag kasi pasukan kailangan maagang gumising.
Dumiretso naman sya sa isang pinto siguro ay banyo. Umupo muna ako sa sofa. Dalawang palapag, sa taas siguro ang mga kwarto.
Maganda naman, malawak sya tapos kulay blue ang kulay ng kabuuan. May mga nakasabit na iba't ibang painting.
Nakita ko naman syang papalapit dito sa akin. Maayos na sya, nakaayos na yung buhok nya at halatang nahismasmasan na sya mula sa pagka-antok.
"Anong pangalan mo? Anong powers mo?Bakit ngayon ka lang pumasok dito sa Academy? Ala---"
"Wait, wait, wait, isa-isa lang mahina ang kalaban." Masyado pala syang hyper, my gosh.
"Sorry hehe. Ano pala pangalan mo?" bigla naman nagbago yung expression nya, hyper to serious.
"Lianna Mondarez, isa akong Plant Manipulator. 17 yrs. old."
Ano na nga yung huling tanong nya? ang bilis kasi nya magsalita kanina.
"Ako naman si Jessica Zartera, isa akong Ice Manipulator, 18 yrs. old, pareho pala tayong sub-elementals." Tumango ako at nakipagkamay sa kanya.
"Jess na lang ang itawag mo sa akin." Masayang sabi nya.
Napangiti na lang ako sa kanya sabay tango. Hindi naman sya mahirap pakisamahan. Masiyahin at maingay tulad niya.
"Saan ba ang magiging kwarto ko?" tanong ko sa kanya.
"Ay oo nga pala, tara sa taas." Agad ko naman kinuha yung bag na dala ko at umakyat kami sa hagdan.
Magkatabi lang pala ang kwarto namin sa pinakadulo yung akin. Nagpaalam muna syang kakain daw sya sa canteen, niyaya nya ako pero tinanggihan ko. Sabi ko susunod na lang ako. Aayusin ko pa kasi yung mga gamit ko.
Bagong kakilala
Bagong kasama.Goodluck Lianna!
***
-btgkoorin-
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...