Chapter 8: Her Side

137K 4.5K 673
                                    

CATHY's POV

It's that true? O my gosh! 

Magkatabi silang dalawa.

Bagay na bagay. Kahit ano pang sabihin mo Leader!


"For the first time may nakapantay sa atin!" Sabi ko nung makarating kami sa dorm.

May sarili kaming dorm at hiwalay ito sa lahat. Kaming lima lang ang nandito. Gold ang tema dahil mga gold class kami.

Katatapos lang ng Power Leveling kaya medyo pagod at piniling magpahinga nang maaga.

"Oo nga grabe ang ganda ng pangalan nya bagay sa ganda nya." si Angelica. Pareho kami ng first impression kay Lianna.

Yung mga lalaki naman umakyat na sa mga kwarto nila.  Nagpaalam na ako kay Gel para umakyat na sa kwarto.

Hindi sa kwarto ko kundi sa kwarto ni Keith.

"What are you doing here?" 

Katatapos lang yata nya kakaligo dahil basa ang buhok nya. Kahit gwapo at magaling ay di ko siya gusto at kuya lang ang tingin ko sa kanya. May iba akong gusto.

"Nothing?" ani ko na at umupo sa sofa malapit sa pinto ng room nya. May mini sala kasi sa room nya. Sa aming lahat sya ang may pinakamalawak na kwarto.

"Tss. Say it." Kahit kailan talaga ang sungit ni Keith. Hindi naman ganyan sina tita at tito.

"Para saan nga pala yung ngiting yun?" 

Balewalang tanong ko na dahilan para mapatingin sya sa akin. Ngumiti naman ako at hinintay ang reaksiyon niya.

"Nothing." sabi nya at lumapit sa kanyang kama at umupo rito. 

"I know Prince Keith may ibig sabihin 'yon!" Nakangiti ko pang sabi.

"Tss."

"Any strange feeling to her?"

"None."

"Okay. Sabi mo e." Tumayo na ako at pumunta sa pinto upang buksan ito. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga.

Hindi ko maiwasang ngumisi ng makita ko sa peripheral view ko ang silip na ngiti sa labi nya.

Huli ka Keith!


"Kanina ka pa dyan nakangiti habang nakatingin sa kanila. Kilig na kilig. Bakit di ka na lang kiligin sa ating dalawa." Nawala ang ngiti ko at inirapan si Clide.

"Kiligin ka mag-isa mo!" Bara ko at hindi pinansin ang reaksiyon niya.

Umalis naman kaagad si Maam Callens pagkatapos nya iayos yung mga upuan namin at nagsabi ng ilang pag-aaralan namin sa klase niya. Siguro bukas pa sya magsisimulang maglecture sa amin.

Tumayo naman sa upuan niya si Roxanne at walang pasubaling naglakad papunta sa kinaroroonan nila Lianna.

Ano kaya ang gagawin ng bruhang ito ah?

"Hey, bitch, move. You only have to sit there in History. Got it. Go! Move!" sabi nya sa harap ni Lianna. Napasinghap na lamang ako sa kapal ng mukha niya. Hindi na nahiya kay Keith na katabi lang Lianna.

"Oh, I'm not the bitch here, it's you. Can you just go back to your seat and be silent." balewalang sabi ni Lianna habang nakatingin kay Roxanne.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon