LIANNA's POV
"Nakakapagod pero ang saya"
Tinawanan ko lamang si Jess na nakaupo sa upuan. Kakaluto lamang ng bi-nake naming cupcake at balak naming bigyan ang royalties at balak ko ring dalhan si Xerry.
Maayos na ang gulo na nangyari kahapon sa Young Ground. Agad ding naayos ang mga nasira at balik na rin sa dari ang lahat. Pero hindi pa rin maiiwasan na matakot ang ibang bata kay Xerry kaya inihiwalay siya ng magiging classroom at dun ite-train para makontrol ang kanyang kapangyarihan.
Nakakalungkot pero para rin sa kanya iyon at para sa kaligtasan ng iba.
"Lianna tara na hatiin na natin"
"Sige"
Nilagay ko sa isang malaking lalagyan ang para sa Royalties at sa isang lalagyan naman ang kay Xerry.
"Lianna ikaw na lang maghatid sa mga Royalties. Dito lang ako, kakain pa ako haha"
"Haha sige huwag ka magpataba ha"
"Grabe ka naman sakin Lianna. Sadyang matakaw lang ako pero di tumataba"
"Oo na haha."
Bago ako umalis ay nagpalit muna ako ng malinis na damit atsaka lumabas sa dorm.
Nagteleport lang ako papunta sa Young Ground at naabutan kong nag-eensayo si Xerry sa loob ng isang training room. Sa harap ay nandun ang isang lalaki na malamang ay ang nagtuturo sa kanya.
Tumingin ito sa akin at nginitian ko lamang.
Binigay ko kay Cerry ang cupcake at kinamusta ang kalagayan niya. Hindi rin nahirapan ang trainor niya sa kanya dahil hindi naman siya mahirap turuan. Nagpaalam ako sa kanila at bumalik sa Ground namin.
Ngayun naman yung mga Royalties. Walang klase ngayon kaya malamang ay nasa dorm nila sila. Nakangiti akong papunta dun.
Kumatok muna ako. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring bumubukas. Bakit kaya ang tagal buksan, baka wala sila dito?
Baka nga wala sila dito, Saan ko naman sila hahanapin?
Tatalikod na sana ako ng bumukas ang pinto kaya bumalik ako.
"Oh Lianna"
"Ikaw pala Clide, dyan ba ang ibang royalties?"
"Si Blake lang, pero mamaya dito na sina Cathy at Angelica. Si Keith hindi ko alam eh"
"Ah ganun ba. Ito pala yung binake na cupcake namin ni Jessica para sa inyo. "
"Wow cupcake! Thank you Lianna"
"Haha welcome."
Nginitian ko siya at umalis na.
Wala pala si Keith. Saan kaya yun? Bakit ko ba siya hinahanap?"Miss Lianna? Punta daw po kayo sa Garden"
Nagulat ako sa estudyanteng lumapit sa akin. Hindi ko siya kilala pero nagtataka akong nilapitan niya ako. Saka anong sabi niya? Punta daw ako sa Garden? Saang Garden?
"Saan?"
"Alam niyo daw po yun. Sige po aalis na ako"
Nawindang ako sa sagot niya. Alam ko daw pero ang tanong yung nagpapunta ba sa akin dun kilala ko ba.
"Wala man ditong tao" Nasabi ko na lang ng makitang walang tao dito sa garden'g alam ko daw. Pinagloloko yata ako ng estudyante na yun ah.
Makaalis na nga may hahanapin pa ako eh. Sino ba hahanapin ko?
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...