Thank You!

74.4K 1.5K 140
                                    

❤❤❤

Hello po sa lahat ng nagbabasa ng kwento ko na ito na tanging kathang-isip lamang.

Unang-una po. Nagpapasalamat po talaga ako sa suporta niyong ibinibigay sa kwentong ito mula sa pinakaunang version hanggang sa edited version.

3 years na ang lumipas simula nang gawin ko ang kwentong ito. Nung panahon na yun Grade 9 pa lang ako. Ebook days lang talaga ako nun hanggang may nag-suggest sa akin na sumulat sa wattpad para matapos ko.

Hindi ko nga akalain na makakatapos ako ng kwento. At sobrang nagpapasalamat ako sa mga kaibigan at kaklase ko na nagbabasa at nagsusuporta ng story ko na ito. Araw-araw akong kinukulit at ang lagi kong dahilan ay naubos na yung sa drafts ko at di ko pa alam ang mangyayari.

Kaya nagawa ko ang kwento na ito dahil inspired ako sa mga nababasa kong fantasy. Fantasy lover din kasi ako haha

About kay Lianna, sa kapangyarihan niya na Plant manipulator ay inspired kay Dennis/Kurama ng Ghost Fighter/ Yuyu Hakusho. Siya ang paborito kong tauhan sa pinakapaborito kong anime.

Ang lahat ng nasa kwento ay pawang imahinasyon lamang na pri-noduce na aking malawak na isip.

Sa mga nagbabasa nito at nakabasa maraming salamat po! Katuwa nga at napansin nyo pala itong story na ito. Medyo nahirapan din ako kasi baguhan talaga. Sa mga comment nyo thank you. Sa mga vote nyo thank you. Sa pag-follow sa akin thank you.
Hindi man kagandahan ang kwento na ito tuloy pa rin ang suporta nyo. Hindi ko man kayo ma-mention pero alam kong alam nyo na kung sino-sino kayo.

Nagpapasalamat talaga ako ng sobra.
Hindi talaga ako madrama haha

Q. May book 2 ba ito?

-Alam kong marami sa inyo na gusto magkaroon ng book 2 ito ayon sa mga nabasa ko sa mga comment nyo. Ang desisyon ko po ay 'Wala itong book 2'. At sorry po dahil dyan.

Q. Bakit mo po in-edit?

-Ang totoo kong dahilan kung bakit inedit ko ang WA ay dahil nahihiya ako sa inyo. Nahihiya ako kasi dumadami na ang bumabasa at marami pa lang typo at grammatical errors sa kwento. Hindi ko rin masisi ang sarili dahil baguhan ako sa paggawa ng kwento. Ayoko lang masabihan na milyon ang reads pero ang sulat hindi maayos. Ayoko i-compare sa mga tulad ko ring aspiring writer, lalo na ang mga gawa ko. Kaya ginagawa ko ang makakaya ko para walang mangyaring ganun. Dati ang inaalala ko lang ay ang plot ng kwento, wala akong pakialam sa mga nagbabasa at followers ko. Kasi ang gusto ko makaproduce ng kwentong para sa akin. Kwentong nabuo dahil sa inspired ako sa mga nabasa ko sa ebook at mga napapanood ko. Kaya sana wag kayong magalit sa akin kung inayos at binago ko kunti dahil itong edited version talaga ang gusto ko sa kwentong ito. Mas nalinaw ang pangyayari at kaganapan.

*Huwag po sana nating kalimutan ang respeto.

Di man ako kagalingan pero ok lang yan at least may nasulat at may natapos ako. May-iimprove pa ako.

Ang wish ko lang po sana ay tulad ng pagsuporta nyo sa story ko na ito ay ganun din ang suporta nyo sa iba ko pang story.

- btgkoorin

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon