JESSICA's POV
Bigla naman akong napabangon sa higaan ko dahil sa sigaw.
Teka 5:30 am pa lang ah.
Diba boses yun ni Lianna.
Agad naman akong tumayo at pumunta sa kwarto ni Lianna. Pagkadating ko, isang pawisang Lianna ang tumambad sa akin.
"Lianna ok ka lang?" Umupo naman ako sa tabi nya.
Kahit talaga saang anggulo ang ganda nya pa rin.
Tumango naman sya. Pero nakakunot yung noo. Halata pang kagigising nya lang din. Nanaginip siguro sya.
"Mag-aayos lang ako saka magluto ng pagkain natin, baba ka na lang" umalis naman ako agad.
Ano kayang napanagininpan nya?
Mabilis naman akong natapos sa morning rituals ko at bumaba na at nagluto.
Napansin ko naman na bumaba na si Lianna at sakto rin na malapit ng maluto yung niluluto ko.
Kahit na sabihing kaibigan ko si Lianna hindi pa rin maalis sa isip ko na napaka-misteryoso nya.
Pumasok sya sa eskwelahan na ito lahat nabago.
At saka hindi ko pa gaano sya kilala. Nahihiya naman akong magtanong kaya minsan pinapabayaan ko na lang.
Minsan naman nakikinig lang ako sa kanya kapag nag-oopen sya ng topic tungkol sa mga kaibigan nya.
Sabi nya sa akin kamukha ko daw yung isa nyang kaibigan.
Pero wala naman nasabi sa akin yung mga magulang ko na may kapatid ba ako.
Aisst yaan na nga.
Hinanda ko naman yung mga pagkain sa lamesa at umupo na sa harap nya.
"Kain na tayo" yaya ko sa kanya, ngumiti naman sya pero nakakunot ulit yung noo nya.
"May problema ba?" Napatingin naman sya sa akin.
"Nagtataka lang ako sa panaginip ko" seryosong sabi nya.
"Ano ba yung panaginip mo?"
"May babae tapos nakatalikod sya, sabi nya may dapat daw akong gawin eh...tapos bigla na lang syang nawala"
Tumango ako. Hindi ko na lang ulit sya tinanong. Ang weird ng panaginip niya.
Pumasok na kami pagkatapos.
KEITH's POV
"Class! All of you proceed to the Hall. Naka-assign tayo para mag-decorate for coming Academy Ball Celebration"
Everyone stand and start walking while my seatmate girlfriend is tulala.
"Wifey problem?" tiningnan niya ako at umiling.
"None"
"Let's go" kinuha ko yung kamay nya saka hinawakan ko. Hawak kamay kaming lumabas sa room habang sumusunod sa iba naming kaklase.
"Wifey, I love you" I whispered to her.
"Huh?" hindi niya narinig ang sinabi ko. Parang wala siya sa sarili.
Ewan ko pero iniwan ko siya at nauna na. Parang hindi niya yata alam na ako ang kasama niya.
"Hi babe" ito na naman siya.
An assuming ugly duckling.
"Tss."
"Babe please break up Lianna-girl" Crazy!
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...