JESSICA's POV
Madali din namang natapos yung Bronze Class at Silver Class. Pero bago ang Gold Class ay pinameryenda muna kami ng 20 minutes sa Canteen.
Oo nga pala kung nagtatanong naman kayo kung naka laban na si Lianna ay wala pa. Wala naman natawag kanina ang pangalan nya kaya malamang sa Gold Class sya isasamang tatawagin.
Nagsimula nang tawagin ang mga nasa Gold Class. Maraming nanunuod dahil nga alam nyo na nandyan ang mga Royalties.
Pansin ko lang ah!
Ang tahimik ng katabi kong si Lianna. Halatang pinapanood talaga ng maigi yung mga laban.
Sana magkasama pa rin kami.
Ramdam ko na sa kanya ang malakas na kapangyarihan. At sigurado akong sa Gold class talaga sya makakapunta. Makikita ko na din syang lumaban.
"Roxanne Swott." Ay si bruha.
Feeling maganda di naman mas maganda pa sa kanya si Lianna. Nakakainis ba yung babae na yan sobra!
Pasikat masyado sa school at lantaran ding may gusto kay Prince Keith Feirrystan. Isa sa Royalties at leader nito. Ang Prinsepe ng Whitens Teritory.
Binubully nya yung mga lumalapit dito pati nga yung dalawang babaeng royalties kinakalaban nya. Kala mo kung sinong magaling.
Masyado syang obsessed kay Prince Keith eh di nga sya gusto nun.
Sa gwapo nun sa kanya lang mapupunta...wag na lang.Bago sya lumaban tumingin muna sya kay Prince Keith tapos nag flying kiss.
Eww sya eww.
Tiningnan ko naman si Prince Keith, ayun dedma! Buti nga.
Teka lang nga namamalikmata ba ako. Dito sya sa pwesto namin nakatingin.
Baka naman hindi. Tiningnan ko naman si Lianna at ayun nakatingin sa baba tapos yung kamay nya nakahawak sa railing tapos yung baba nya nakapatong sa dalawang kamay nya. .
"Ang sarap ba patulan yang babae na yan, tawagin ba naman akong bitch eh sya yung bitch." Rinig kong sabi nya.
"Grabe sya oh! Susuot na lang kulang pa sa tela...tss! tss!" dagdag pa niya.
Grabe pala tong babae na to. Wagas kung makasabi pero totoo naman haha.
Natapos na si bruha lumabas na sa screen yung level nya at nakakuha siya ng Level 82. Ang taas.
Pag ako na yung lalaban promise gagalingan ko talaga.
Mas mataas pa na level kesa sa kanya.
CATHY's POV
My name is Cathy Fuerro ,18 yrs. Old, and I am Earth Manipulator and also a Princess of Terra (earth) Kingdom. One of the Royalties.
By the way. Eto na nga.
Sa totoo lang nakakabwesit si Campus Bitch, walang iba kundi si Roxanne. Nakakabwesit kasi yung mukha nya. Sarap iuntog sa pader. Maganda nga pero masama naman ang ugali kaya wala pa ring saysay.
Tiningnan ko naman si Keith, prince ng Whitens Teritory.
Idol ko nga sya. Apat ba aman na element ang kayang kontrolin. Seryoso lang siya at ni hindi man lang napansin ang pag-flying kiss sa kanya ni Roxanne. Sa iba kasi nakatingin si Keith eh. Matingnan nga.Sino naman yon? Bagong student? Tapos katabi nya si sino nga to yung kapangyarihan ay sub - element na Ice si...si...Jes ayun si Jessica.
Ano kaya kapangyarihan nya?
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...