Chapter 44: Truth

91.1K 2.6K 49
                                    

HM SAPPHIRE's POV

Nangyari na ang lahat ng sinabi nya. At Wala na sya. Ang nag-iisang anak ni Goddess Altherra. Ang misteryosong estudyante ng White Academy ay naglaho na.

Hindi ako makapaniwalang siya ang tinutukoy ng aking panaginip.

'Ang pagkakamali'y may kaakibat na parusa
Walang makakatakas, walang makakawala
Buhay nya'y katumbas ng kapangyarihan ng lahat
Lakas nya'y walang katapat'

Wala na rin si Issanna Dark.
Wala ng Darkenians ang natira dail sa kapangyarihan niya.

Tapos na ang laban. Tinapos niya ang laban kapalit ng kanyang buhay.

"HM Sapphire nagising na po ang Royalties at hinahanap kayo." tumango ako kay Fairy Farrah.

Agad naman akong pumunta sa Clinic. Pagkadating ko doon ay pumunta na ako sa pwesto ng mga Royalties.

Ito na ang panahon.

Ang tamang oras para sa lahat ng kasinungalingan at katotohanang nakatago na dapat mabunyag.

"HM Sapphire, Si Lianna?" ito agad ang bungad nila sa akin pero umiling lamang ako. Ayaw kong saktan ang damdamin nila ngunit...

"Ikinalulungkot ko pero wala na sya."

Ang batang yon.

Kahanga-hanga.

"Nagbibiro lang po kayo diba" Umiling naman ako.

"Hindi totoo yan!"

Wala akong nagawa kundi ang ipakita sa kanila ang nangyari kay Lianna nung i-spell nito ang Light of Life.

Ito yung scene na kung saan habang tinatapos ni Lianna ang spell ay nagiging liwanag na lang ang mga katawan nya paakyat sa ulo nya. Hanggang sa mawala na sya ng tuluyan dala ang payapang ngiti sa labi.

"Hindi. Hindi. Ilusyon lang yan. Buhay pa si Lianna" lumuluhang anang ng kaibigan nila habang niyayakap ito ni Cathy.

Mahirap mawalan ng tunay na kaibigan.

Sa lagay nila ngayon masyado silang nahirapan base sa luhang lumalabas sa mga mata nila. Ngunit hindi na mababalik ang naglaho na. Hindi na siya maibabalik.

"Ito na siguro ang tamang panahon. May ipapakita pa ako sa inyo." napatingin naman sila sa akin.

Mula sa isang pader ay nag-flash ang isang pangyayari, ang araw ng pagpunta ng Dark Ace ilang araw na ang nakakalipas.

Sa loob kami ng aking opisina habang ako ay nakaupo, sila naman ay nasa harap ko.

"Bakit kayo nandito?" panimula ko.

Nung mga oras na iyon ay hindi ko pa nakikita ang totoong itsura nila. Kilala ko lang sila sa pangalan at kapangyarihan.

"Easy lang HM Sapphire. Dito kami para balaan kayo sa darating na Laban sa pagitan nyo at namin..." nakangisi si Ulter at nauna nang tinanggal ang hood at sumunod naman ang mga kasama niya.

Napatingin ako kay Jessica at hindi na nagulat nang makita ang reaksyon niya. Kapatid niya ang isa sa apat na kasama ni Ulter. May pagkakahawig sila na hindi maitatago. Tanda ko pa nung iniwan siya nito sa tapat ng gate para sa kanyangg kaligtasan ngunit hindi akalaing isa pala ang kuya niya sa Dark Ace.

"Li-Lianna?" gulat na gulat ako sa nakita. Hindi ko inaasahang si Lianna at si Ulter Dark ay iisa. Magkaiba sila ng ugaling ipinapakita. Masiyahin si Lianna at seryoso naman si Ulter Dark. Plant Manipulation ang kapangyarihan ni Lianna at Itim naman ang kay Ulter Dark. Kaya hindi ko maiwasang magtaka kung paano kami nalinlang ni Lianna sa tunay niyang pagkatao.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon