LIANNA's POV
"Hoy Lianna bilisan mo dyan! Nandito yung date mo" sigaw ni Jessica sa labas ng kwarto ko.
Ang bilis naman yata ni Keith?
Excited much lang?Pero ako din excited, first date namin to bilang mag-girlfriend at mag-boyfriend.
Simpleng red dress lang ang suot ko with flat shoes. Nakapusod at may laglag na kunting hibla ang style ng buhok ko.
Lumabas naman ako sa kwarto at nakita ko si Jessica na nakangiting nakatingin sa akin.
Sana maka move-on na sya.
"Gusto ko lang malaman mo Lianna na hindi na ako galit sayo. Umasa lang talaga ako pero sadyang hindi talaga ako at tanggap ko na iyon. Sana mag-enjoy kayo." ngumiti naman ako sa kanya saka tumango.
Pagkababa ko nakita ko syang naka- dikwatro sa sofa. Feeling at home ang bisita ah.
"Hmm...maganda naman"
"Magaganda kasi yung nakatira" proud kong sabi sa kanya. Ngumiti siya nang makita ako at agad akong sinalubong.
"Let's go"
Pinagsiklop niya ang mga daliri namin at sabay kaming lumabas sa dorm. Sana lang ay hindi niya nararamdaman an gpaglamig ng kamay ko sa kaba.
JESSICA's POV
"Kaya ko to! Fighting!"
Ganyan talaga kapag nagmamahal hindi maiiwasang masaktan. May mahal siyang iba at wala akong magagawa kundi ang tanggapin iyon.
Pumasok naman ako sa room.
Focus na lang muna ako sa pag-aaral at pag-eensayo.
"Morning Jessica" ngumiti ako kay Princess Cathy.
"Morning"
"Ang aga naman yata ng date ng dalawa" sinabayan niya ako sa paglakad hanggang sa makaupo ako sa upuan ako.
Ang sakit pa rin talaga pero kakayanin.
"Ang landi talaga nya, akalain mo yun dalawang prince ang may gusto sa kanya"
"Ano bang gusto mo palabasin ha Roxanne" biglang sabi ni Princess Angelica.
Buhay pa nga pala ang bruha na ito.Di ba nya tanggap?
"Malandi kasi si Lianna, nilandi nya si Prince Keith at Prince Blake" napatingin naman kami kay Prince Blake.
"Pwedi ba Roxanne tumahimik ka"
"Bakit naman? Ipinagtatanggol mo pa yung babae na yun eh diba mahal yun ng taong mahal mo"
Anong sabi nya?
"Si Prince Blake mahal nya si Lianna kaya lang hindi sya mahal nun at ikaw diba mahal mo si Prince Blake" nakangising sabi ni Roxanne.
Pareho-pareho pala kaming na-friend zone.
"Oo tama ka, tama lahat ng sinabi mo , pwes hindi yun dahilan para sabihan mo ng malandi si Lianna, nagmahal lang sya, nagmahal lang din kami"
"Tss...ano bang nakita nyo sa babae na yun, kung hindi sya sana dumating hindi kayo magkakaganyan"
Panira ba si Lianna?
Hindi naman ah.Sya nga ang dahilan kung bakit nagbago ng kaunti si Keith. Tapos sa kanya din ako nakakita ng totoong kaibigan.
"Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo sya kilala"
"Kayo ba? Kilala nyo sya eh diba nung unang pasukan lang nyo nakilala sya" ano bang ipinagpaglaban mo Roxanne
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...