Chapter 21: Aether vs. Plant Manipulator

101K 3.3K 340
                                    

LIANNA's POV

"For the last round the battle should done in 30 minutes. You may now proceed players."

Pumunta naman kami ni Keith sa gitna.

Yung mukha kong nakangiti pinalitan ko ng seryoso. Magkaharap kami ngayong dalawa at nakatingin lang sa isa't isa.

Tahimik din ang buong paligid.

Biglang umangat yung inaapakan ko kaya tumalon ako sa iba, pero ganun pa rin, patuloy lang ang pag-angat nito. Mahirap pagsababa kailangan hindi ko maapakan yung baba kunting kamali madadali ako.

Palihim ko namang hinulugan yung mga bitak na lupa ng mga buto ko.

Ngayon nakaapak ako sa lupang nakausli. Sya naman sa dati nya pa ring pwesto.

Isip.
Isip.

Ang Clone Plant.

Nagteleport naman ako papunta sa likod nya pero naka seal ang kapangyarihan ko para di nya maramdaman, hindi rin ako makikita naka invisible ako.

Yung clone ko naman sa kanina kong pwesto. Gamit yung clone plant ko kaya nitong gayahin kahit ano maski ako.

Sinipa ko naman sya sa likod na nakapagpaurong sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin tinanggal ko na kasi yung pagkainvisible ko at tumingin din sya sa clone ko na ngayon na naging halaman na.

"Not bad *smirk*" aniya

Ang GWAPO...erase...erase.
Sa laban ang atensyon Lianna kundi matatalo ka. Tandaan mo yung deal nyo na hindi mo naman inu-oo-an.
Na sya lang ang nagdesisiyon.

*smirk*

Sumugod naman sya sa akin. Physical ang labanan. Sisipain ko sana yung mukha nya ng nahawakan nya ito umikot naman ako sa ere para makawala.

Arrgh.
Ginamitan nya ako ng latigong hangin na ngayon nakatali sa mga kamay ko.
Ang higpit. Hinila nya naman ito para mapalapit ako sa kanya. Hindi pwedi ito.

Hindi ko magagamit yung kamay ko.
Pinalabas ko naman mula sa mga buto na kaninang hinulog ko ang mga halaman saka kumalat to papunta sa kanya. At para madistract sya sa paghihila sa akin.

Lumuwag yung tali at yung isa kong kamay natanggal ko na at pati na rin yung isa. Habang abala naman yung mga halaman ko kay Keith. Gumawa ako ng panang kahoy at tinira papunta sa kanya.

O_O ang daya.
Nasunog lahat ng halaman ko pati yung tinira ko sa kanya.

Hinagis ko naman sa kinatatayuan nya yung mga bomb seed ko sanhi ng pagkasunod-sunod na pagsabog sa pwesto nya at ngayon puro usok na lang.

Awra.
Napatingin ako sa likod ko. Nandun sya.

Tinira nya naman ako ng fire balls.
Iniiwisan ko lang ito hanggang sa maubos.

Napatingin naman ako sa oras sa screen. 15 minutes na lang matatapos na ang laban.

"Hindi patas" sabi ko sa kanya. Kaharap ko sya ngayon.

"Para maging patas" dagdag ko. Napakunot naman yung noo nya.

Ang pinakamalakas na technique ko ang Theranizia Flower, o ang tinatawag na legendary flower ang Aether Flower na binubuo ng 4 element, ang Aera flower, Terra flower, Ignis Flower at Aqua flower.

Nilabas ko ito saka tumira ng fire ball sa kanya. Halata namang nagulat sya pero nakabawi din.

Nagpalitan lang kami ng tira ng apoy.
Tinira ko din sya ng air blade. Tapos gumawa naman sya ng shield. Tinira ko naman sya ng mga ice spike. Hindi na ako tatablan ng lamig kasi nasa control ko ang ice o ang tubig. Napatingin naman ako sa taas ko.

Nagteleport naman ako para iwasan yung mga batong pahulog sa akin. Nagpakawala naman sya ng Turnado ganun din ang ginawa ko. Nagbanggaan lang ito.

Halata sa kanya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Sinanay ko na ito.

Nung natagpuan ko yung mga parte nitong bulaklak. Ang apat na uri ng elementong bulaklak ay hiwahiwalay.
Naabot ako ng 5 buwan sa paghahanap nito. Nalaman ko ang tungkol dito sa librong nakita ko sa isang kweba. Naglalaman ng mga techniques na magagawa mula sa mga elemento.

Alikabok ang naging kinalabasan ng dalawang turnado dahil sa pagbanggaan na nagsanhi ng pagkadala ng mga lupa.

Nawala naman kaagad iyon ay tinira ko si Keith ng Mga tinik ng halaman ko.
Limang pulgada ang haba nito. Tinira niya naman ito ng apoy at nasunog ito.
Bigla naman syang nawala sa pwesto nya.

Hindi ko sya makita.
Ang aura nya kahit saan mararamdaman. Nakakalito.

Pinalabas ko naman yung mga dahon na kayang makaputol ng kahit ano. Saka kinalat sa sa lahat ng space ang natitirang space na lang ay yung akin na wala.

Hindi pa sya nyan lalabas matatamaan sya. Pati sa taas tinira ko din dun.

O_O napahinto ako ng paglabas ng mga dahon nung biglang lumabas sya sa harap ko isang metro ang pagitan namin.

"Nadali mo ako dun ah *smirk*"

Napatingin naman ako sa oras 5 minuto na lang. Ang bilis ng oras.

*smirk*

Sinuntok ko naman sya sa tiyan nya.
Na nagdulot sa kanya ng pagkaurong ng ilang metro. Hindi niya yata inaasahan yung gagawin ko.

Argh.
Ang sakot may mga tinik na nakatusok sa binti at balikat ko.

Napatingin naman ako sa kanya , nagpupunas lang sya ng dugo sa bibig nya. Yung mga sugat ko naman dumudugo na, nakatusok pa rin yung mga tinik, mahirap gumalaw.

May lakas pa naman ako. Mahirap kapag sabay ginamit yung apat na elemento.

3 minuto na lang.

Nakita ko naman syang bumubuo ng Water and Fire combined fire ball saka itinira ito sa akin. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Pumikit na lang ako nung malapit na tumama sa akin.

CATHY's POV

O_O
Katulad ng nangyari kay Blake.

Tumagal yung usok. 1 minuto na lang.
Unti-unti namang nawala yung usok.

"The two group leader are
.
.
.
.
TIE" -HM Sapphire

Paano?

Napatingin naman ako sa pwesto ni Lianna.

Nakatayo sya tapos hawak hawak nung isa nyang kamay yung balikat nya.

Sa wakas tapos na ang laban.

Bigla namang lumapit si Keith kay Lianna saka inalalayan ito.
Woah! KEIANNA (keyana) LoveTeam mabuhay. ^___^

Tapos nagngitian sila.waaaaaaaahhhh
Ang once-in-a-lifetime smile ni Keith waaaah.

Ang OA ko.
Sensya na kinikilig ako eh.

Lumapit naman sila sa amin. Mag mga sugat din pala si Keith. Umalalay naman si Blake kay Lianna dahil muntik na itong matumba. Agad namang pumunta si Clide at tinulungan si Keith. Napahiwalay naman silang dalawa...awh.

Tiningnan ko naman si Gel sa tabi ko.

'Selos at lungkot' yan ang nakikita ko sa kanya. Kanino kaya?

Sabi nya naman sa akin wala syang gusto kay Blake pati na rin kay Keith.
Tinatago nya lang ba.

Hay Gel magkaibigan nga talaga tayo pareho ng nararamdaman.

Hinatid na lang namin si Lianna pagkatapos gamutin sya ni Gel. Tapos kami naman dumiretso sa Dorm namin.

Tanungin ko pala si Lianna tungkol dun sa kakaibang bulaklak nya kanina na nilabas na nagtataglay ng apat na elemento.

Nakakabilib talaga sya.

SOMEONE's POV

She's mysterious.
That's why I'm interested to her...

***
-btgkoorin-

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon