Chapter 18: Are You Okay?

107K 3.3K 333
                                    

LIANNA's POV

"Leader kayo ni Alkyl na lang ang lalaban sa Dual Battle" sabi ni Yinn saka tumingin sa aming dalawa ni Alkyl.

"Oo nga Leader" dagdag pa ni Fiara.

"Kung ako na lang" singit naman ni Trey.

"Tse wag na lang mas magaling pa ako sayo eh"-Yinn

"Di kaya, mas magaling pa sa atin si Leader" sabay tingin sa akin ni Trey.

Sa totoo lang ang kulit nilang tatlo.
Nilagyan ni HM Sapphire ng isang araw bago ang laban, para daw mapag-usapan ng mga grupo kung sino ang lalaban.

Kaya lang...

"Di daw pwedi yung leader eh" napangiwi naman sila haha

Sabi lang ni HM di daw pwedi kaming mga leader. At hula ko na kung kung bakit kasi sa last day kami lalabang mga leader.

"Si Alkyl at Yinn ang lalaban, at ngayon din ite-train ko kayo sa pamamagitan ng paglaban sa akin 2 vs. 1. Game?"

"Game" si Yinn

Tumango naman si Alkyl.

"Tandaan nyo kapag nanalo tayo sa Battle na ito madadagdagan yung mga level natin"

"Yes leader" -Yin/Fiara/Trey

Kanina pa kami usap ng usap di ko manlang masabi kong nasaan kami.
Dito pala kami sa may Field sa may pinakadulo at puro mga damuhan lang.

Masaya ang naganap na celebration kagabi, maraming pagkain ang kinain namin at siyempre maraming kwentuhan at tawanan. Sinabi ko rin sa kanila na dito kami sa field ngayon mag-eensayo.

Tumayo naman ako galing sa pagkaka-indian set ko ganun din sina Alkyl at Yinn. Nginitian ko naman sila pareho.

Nilabas ko naman sa magkabila kong kamay yung mga vines ko. Humaba naman ito ng limang metro at naging latigo.

Naglabas naman si Alkyl ng pulang usok na ngayo'y nagkakalat na.

Si Yinn naman nilabas na nya yung White Dimity nya. At fi-norm na pamaypay.

Nagtakip naman ako ng bibig at ilong ko gamit yung kamay ko, hindi ko pwedi maamoy yung Red Smoke na nilalabas ni Alkyl. Mas lalo itong kumapal nang pinaypay ni Yinn.

At ngayon nababalutan na ako ng usok na pula, mahirap makita sila pero madali lang hanapin para sa akin yung mga aura nila.

Agad naman akong pumunta sa kaliwa ko dahil ramdam ko dun yung aura ni Yinn. Hindi siya gaanong marunong tumago ng presensya kahit na pinipilit nya.

Hindi ko magagamit ngayon ang mga vines ko. Kamao na lang ang gagamitin ko.

Sinakto ko naman ang suntok ko sa sikmura niya hindi naman gaano kalakas baka kasi mapuruhan siya. Narinig ko naman na napa-aww siya.

Ang sunod naman ay si Alkyl. Mahirap hanapin ang aura niya. Magaling magtago huh. Pero sisiguraduhin kong hindi nya din ako mararamdaman.

ALKYL's POV

Nakakamangha siya talaga, nung simula na napanood ko siya sa Power Levelling hanggang kahapon.

Lagi ko siyang sinusubaybayan, lagi nya ngang kasama yung mga Royalties.
Masaya nga ako nung naging kagrupo ko at siya pa yung leader namin.
Hindi ko nga lang pinahalata, isa kasi ako sa mga tahimik sa Silver Class, at wala pa akong nginignitian maliban sa kanya. Kapag ngumiti kasi siya mapapangiti ka din.

Hindi lang sa taglay nyang malakas na kapangyarihan meron din syang katangi-tanging kagandahan. Mga ngiting palakaibigan, nakakaakit tingnan.

Ngayon sa practice battle namin ngayon, ang hirap pakiramdaman yung aura niya.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon