Chapter 15: Poison

111K 3.4K 157
                                    

JESSICA's POV

Dito kami ngayon sa Canteen naghahapunan kasama ang mga Royalties.

Tahimik lang kaming lahat kumain. Pati nga ako parang umuurong yung dila ko magsalita. Hindi ako makaget-over sa nangyaring practice battle kanina.

Yung mga sipa at suntok na yun, ang lalakas. Yung mga matang iyon nasilayan ko ulit. Matang kulay green at may lining ng gold palibot. Yung mabilis na pagkilos, nakakahanga.

Ganyan ba makipaglaban si Lianna.
Nakakatakot sya kalaban di mo alam kung anong magiging kakalabasan mo pagnatapos ang laro.

May pagkabrutal pero malinis na pakikipaglaban. Tagal ko ng nakikitang lumaban ang mga royalties na ganon pero si Lianna kakaibang takteka sa halip na kapangyarihan ang gamitin lakas ang ginagamit.

"Hoy tulala ka jan Jess ^__^" kaharap ko nga pala sya tapos katabi nya si Prince Keith.

Napatingin naman sila kay Lianna . Ganda nya talaga kapag nakangiti kahit pala hindi nakangiti.

"Haha wala" sagot ko na lang.

Oo nga pala lahat kami pati yung mga royalties ay nanalo sa practice battle.
Ang saya lang ^__^
Galing ko talaga.

Ang hindi ko makalimutan si Roxanne ang sama ng mga tama nya kanina tapos dinala agad sya sa Clinic.

Tapos yung binulong ni Lianna kay Roxanne, rinig ko yon ginamit ko kasi yung kapangyarihan ko, wag nyo na itanong kung ano, secret ko na yun haha

'Oo nga pala Roxanne yung pinakamamahal mong alalay na si Gellea Yin ay alala ko na'
Papaanong nangyari?

"Oh slave ayos ka na pala" napatingin kami sa tinawag ni Lianna .
Si Gellea.

Ayos na nga sya. Sya kalaban ko kanina eh.

"Oh bakit?"

"Aba, ganyan ka na pala sa master mo, tandaan mo yung deal nating dalawa na kagagawan mo"

Nalukot naman yung mukha nya.
Anong deal? Pati noo ko nakakakunot na din.

"Alam ko po MASTER ano po ipapagawa mo?" Grabe si Lianna may slave agad kibago-bago dito.

"Linisan mo yung pinagkainan namin" nakangiting sabi ni Lianna.

"What?" bigla namang nagseryoso yung mukha ni Lianna, nakakatakot.

"Ah...sige po sige po lilinisin ko" sino ba naman ang hindi matatakot.

Naglilinis naman agad si Gellea sa mesa namin kami naman nanonood lang sa kanya.

"Lianna paano?" Tanong ko kay Lianna, napatingin naman yung ibang royalties sa kanya. Ngumiti naman sya bago magumpisang magsalita.

"Hinamon nya ako ng laban, sabi nya pagnatalo niya ako ang kapalit ay di na daw ako magpapakita kahit kailan pero kung ako naman ang nanalo magiging slave ko sya kung hanggang kailan ko gusto. Eh nanalo ako kaya yan. Pasalamat pa nga sya may bumuhat sa kanya nung nahimatay sya sa suntok ko haha"

"So ibig sabihin hindi ikaw ang bumuhat sa kanya?" tanong ni Princess Cathy tumango naman si Lianna.

"Naka ilang bagsak kaya sya, ang bigat nya eh"

Lintik lang ang hindi nakakahalata.
Sinasadya talaga ni Lianna yun gusto nya din maranasan nila yung pagusapan harap-harapan na akala mo wala ka sa harap nila.

"Sino pala bumuhat sa kanya?" tanong naman ni Princess Angelica, iyon din sana ang itatanong ko.

"Yung mga bakal nya. Joke si...ya" lumingon naman siya kay Prince Keith.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon