LIANNA's POV
Linggo na pala ngayon.
Dalawang linggo na din ako sa White Academy. At hindi ko inaasahan iyon.Mag-isa lang ako sa dorm namin dahil may pinuntahan si Jess, hindi ko naman tinanong kung saan basta na lang akong tumango sa kanya kanina.
Saan kaya magandang pumunta?
Nakakabored din dito mag-isa sa dorm.Apat na araw na din mula ng kinausap ni HM Sapphire yung mga Royalties. Hindi ko rin alam kung ano ang pinag-usapan nila at kung ano man iyon ay sila lang ang nakaka-alam.
Sa loob ng dalawang linggo ay napalapit ako sa Royalties. Hindi ko alam kung makakabuti ba o makakasama para sa akin.
Simula nung pasukan lagi na lang nila ako niyayang sumabay sa kanila.
Ok lang naman sa akin yun kaya lang di talaga maiiwasan yung mga bulong-bulungan.
Tulad ng:'Bakit kaya lagi na lang kasama ng Royalties yang dalawa na yan,minsan naman si Lianna lang'
'Napaghahalataan na gustong sumikat din'
'Naka - kuha lang ng level tulad sa ibang mga Royalties, sumama na'
'Hindi naman sya maganda lalong hindi naman sya prinsesa para sumama sa Royalties isama nya pa yang Ice girl na yan'
'Baka gusto nilang dalawa makatikim ng reward ni Roxanne'
'Mga usasirang palaka'
'Mga malalandi'
'Baka gusto nyang landiin si Prince Keith kaya lagi nya tinatabihan'
Oh diba, kung hindi lang ako nakapagpigil siguro ay sugat sugat na yang mga katawan nila. Nagtataka nga ako sa sarili ko at nakakaya kong pigilan ang sarili ko samantalang nung sa dati kong school ay hindi ako ganito.
Saka hindi ko naman nilalandi si Prince Keith ah, sungit nga nun---I mean nakikipagkaibigan lang talaga ako.
Inggit lang talaga sila kasi nakakalapit kami sa Royalties. Kapag ako napikon pakainin ko sila ng tinik ng rosas eh! Kita nila.
Makapunta na lang ng Garden.
Nagteleport na lang ako para madali.Tahimik na paligid ang bumungad sa akin. Wala man lang tao kaya nag-iisa ako dito.
Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang buong paligid. Maraming halaman at bulaklak ang iba-iba ang kulay.
Nagseryoso ako at luminga sa paligid. Pinakiramdaman kung may ibang tao sa paligid.
Sinubukan kong palabasin sa hintuturo ko ang isa ko pang kapangyarihan. Agad itong nawala ng may maramdaman akong ibang presensya.
"Hoy ikaw humarap ka nga sa akin, malandi ka?"
Grabe naman to makatawag nang malandi. Humarap ako sa kanya at buti na lang ay nakapagpigil ako at hindi ko nailabas ang isa kong kapangayarihan.
Sa likod ko lang siya at ramdam ko ang tingin niya sa akin. Tumayo ako at humarap sa kanya.
Tao ba ito? Joke lang
Tao naman eh di lang halata hahaMukang paa eh.
Kapal ng lipstick, san punta mo day?
Di ko akalain na may nag-aaral dito na Clown Fish alam ko lang sa dagat yun ah. Naligaw ata sya."Buti naman tumingin ka nang malandi ka?" sabi ni Clown Fish.
"Oh ikaw pala Clo---este sino ka ba?" tanong ko.
"Hindi mo ba ako kilala , ako lang naman si Gellea Yin"
"Then?" Kumunot naman yung mukha nya.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...