Special Chapter: Keith, Lianna and the Twins

102K 2.6K 323
                                    

KEITH's POV

"Uwahhh"

Nasapo ko ang noo dahil sa iyak ng aking babaeng anak. Katatapos ko lamang ito ilagay sa kuna at umiyak na naman.

"HUBBY!" si Lianna.

Pagkatapos ko ilagay ang damit ng mga bata sa lalagyanan ng kanilang damit ay agad akong pumunta sa mag-iina ko.

"Bakit Wifey?" nakangiti akong tinanong siya. Sa kanyang mga braso ay bitbit niya ang lalaki naming anak. Mahimbing itong natutulog pero ang babae naman naming anak ay umiiyak.

"Ikaw magpatahimik dyan" aniya at tinarayan ako.

Agad kong nilapitan ang babae naming anak at binuhat ito. Tumigil ito sa pag-iyak at pinagmasdan ako gamit ang magaganda niyang mga mata.

Isang buwan pa lamang ang kambal na anak namin ni Lianna. Ang aming prinsesa ay pinangalanan naming Kianna Dewin-Fierrystan at ang aming prinsepe naman ay Klinn Dewin-Fierrystan. Ang babae ay iyakin at ang isa naman ay palatulog. Nakuha ni Kianna ang mga mata ni Lianna pati na rin ang kulay ng balat at ilong. Sa akin naman niya nakuha ang hugis ng labi at kilay. Ganun din ang nakuha sa akin ni Klinn. Pero kung pagmamasdan sila ay hawig nila ang pinagsamang ako at Lianna.

Binaling ko ang tingin sa aking asawa. Kumakain ito ng prutas at nang magawi ang tingin sa akin ay sinamaan niya ako nng tingin.

Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko sa kanya bakit ang sungit niya.

Inilapag ko si Kianna sa kanyang kuna at kinuha ko naman kay Lianna si Klinn para ilagay rin ito sa kuna nito. Parehong tulog na ang mga bata kaya itinuon ko ang pansin kay Lianna.

"Bakit ang sungit mo?" tanong ko sa kanya. Umismid siya at tiningnan ako saka umirap. Napangiwi na lamang ako sa tinuran niya.

Bumaling siya sa akin at lumambot ang ekspresyon.

"Hmm...Hubby kuha mo ako ng prutas. Ubos na kasi ang kinakain ko." malambing niyang bigkas pero kumunot ang noo ko. Nagtataka sa kilos niya. Kanina ang sungit niya tapos ngayon nanlalambing na.

Hindi ko muna sinunod ang gusto niya at pinagmasdan siya ng maiigi. Ang nakangiti niyang mukha ay sumimangot at ganun na lamang ang gulat ko ng makitang lumuha siya.

Ano bang nangyayari sa kanya? Di kaya pinagti-tripan niya ako? Pero hindi siya tumigil sa pagluha at punas sa lumalabas na luha sa kanya. Ano na naman bang ginawa ko?

Nagkulang na ba ako sa pag-aalaga sa kanya? Nitong mga nakaraang araw ay laging ako ang nag-aasikaso ng mga anak namin dahil gusto ko magpahinga siya kahit na buwan na ang lumipas nang manganak siya. Alam kong di biro ang magpalabas ng kambal. At higit sa lahat hindi ko naman alam na mgiging kambal pala ang anak namin.

Akmang lalapit na ako sa kanya ay siya namang ingay ng nasa labas ng bahay. Nasa sala kami ng aming sariling bahay.

"TAO PO! PAPASOK!"

Padabog na bumukas ang pinto na siyang kinagulat ng kambal. Nagising ito at agad na umiyak ang kambal. Pero mas malakas ang iyak ni Kianna. Si Klinn naman ay umiiyak din at malamang na naistorbo ang pagtulog.

Napatingin ako sa mga pumasok.

"Shit! Bakit ang dami nila." agad kong nilapitan ang kambal at binuhat sa magkabilang braso pero ayaw nila tumigil sa pag-iyak.

Binalingan ko ang mga bagong dating ng masamang tingin pero agad na dumapo ang tingin nila sa umiiyak na Lianna.

"Bakit umiiyak ka Lianna?" binalingan nila ako ng tingin.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon