Chapter 29: Preparation

97.6K 2.9K 125
                                    

This chapter is dedicated to fab_peculiar

***

LIANNA's POV

Maaga akong gumising kinabukasan dahil may pasok. Pagkabihis ko ay tumungo ako sa kwarto ni Jess pero pagbukas ko ay wala na siya.

"Saan na ba yun?"

Wala rin siya sa kusina at sa kung saan pa dito sa dorm. Baka nauna na? Palagi man kaming sabay ah?

Lumabas na ako at habang naglalakad ay ramdam ko ang tahimik ng paligid. Anong meron bakit ang tahimik?

Nagpatuloy lang ako sa paglakad at lalo akong nagduda kung bakit bilang lamang sa daliri ko ang nakikita at nakakasalubungan kong kapwa estudyante. May activity ba ngayon? Wala man nasabi sa akin?

Mas lalong nangunot ang noo ko nang madatnang walang tao sa classroom namin.

Nasaan na yung mga kaklase ko bakit ako lang ang nandito sa room. T__T

Makapunta na nga sa Library, tutal walang tao at wala naman yatang klase. Agad akong pumunta sa may library. Tulad ng sa room ay wala ding tao. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa mapunta ako sa may pinakalikurang bahagi.

Napatingin ako sa hili-hilirang mga aklat na pinalilibutan na ng makakapal na alikabok na mukhang hindi nagagalaw o nalilinisan man lang. Pero kahit ganun ay nakikita ko pa naman ang pamagat ng libro.

Ang tagal ko na dito pero ngayon lang ako kumilos.Tss

Napahinto ako at akmang kukuhain na sana ang aklat nang may nararamdaman kong may nakamasid sa akin. Binalewala ko iyon at umalis dun. Nakaramdam ako ng kaba dahil dun at mukhang may nanonood sa akin, sa ginagawa ko.

Umikot ang paningon ko at tumigil ito sa pinakagilid na mesa kung saan may natutulog.

Sino naman kaya ito ah?

Nakakunot ang noo ko papunta sa tao na yun. Talagang sa favorite spot ko pa umupo at natulog.

Teka lang...parang kilala ko ito ah.

"Keith?" si Keith nga.

Kinalabit ko siya pero di man lang gumalaw, pumunta naman ako sa tabi nya malay nyo gising nagkukunwari lang diba. Saka may itatanong ako eh.

Nakapikit ang mata, saka malalim ang paghinga. Tsek tulog nga.
Sya na lang nga ang natitirang tao sa academy natulog pa.

Alam nya kaya nangyayari sa paligid na wala ng tao kundi ako na lang at sya.

Wow may ibang meaning haha. Pero di nga, saan kaya nagpunta yung ibang tao at yun sana ang gusto kong itanong sa kanya.

"Hmm"

Nagising ko yata. Dibale para naman may kausap ako.

Tumingala naman sya sa akin habang nakapikit ang isang mata at naghihikab pa. Antok pa siguro to.

Pero ang cute nya!

*dub* *dub* *dub*

What the anong nangyari sa puso ko bakit ganito makatibok to? Ito ba yung tinatawag na the last beat of life? Di joke lang.

Umupo naman ako sa harap nya at ipinatong ang ulo sa dalawang braso. Hindi ko alam pero gumaan ang dibdib ko nang makita ko siya. Pero bumalik yata ang bigat nang dahil sa naiisip ko ngayon.

"What are you doing here?"

"To sleep" sabi ko na hindi inaangat ang ulo.

"Tss"

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon