Chapter 38: Light Manipulator

77K 2.4K 255
                                    

CATHY's POV

Sa gitna ng kasiyahan bigla na lamang nawala ang dalawa. Saan kaya pumunta yun?

Iniwanan ba naman kami sa Ball ng hindi man lang nagpaalam. Maski ang pagpapakita bago umalis ay wala. Nice! Nice!

"Ang aga nyo pumasok ah. Asan ang Couple na hindi nagpaalam?" salubong ni Angelica pagkaupo sa kanyang upuan at humarap sa amin.

"Malay"

Nalipat ang atensyon namin sa kakarating lang na Prinsepe. Humihikab pa siya habang naglalakad papunta sa upuan niya.

"Hoy Keith saan si Lianna?" tanong ko sa kanya.

"Umuwi ata sa dorm nya, wala na kasi sya paggising ko. Nga pala, wala pa siya?" sabay tingin niya sa katabing upuan.

"What! Tabi kayo matulog?" gulat na tanong ni Angelica. Tumango rin ako.

"Anong masama dun? Tabi rin naman kaming natulog nung nasa Palasyo tayo."

Pano kung may mangyari sa kanila? Hindi pa sila kasal naku!

"Kung anu-ano iniisip nyo. Ang tagal naman ni Wifey" anya bago tumingin sa pinto.

Napatingin rin ako sa pintuan at nung pumasok ang bagong couple, si Jessica at Reese ay napatayo si Keith.

"Jessica si Lianna?"

"Akala ko magkasama kayo, wala man sya sa dorm namin!"

Nagulat si Keith sa sagot ni Jessica at bigla na lang natigilan. Natahimik rin kami.

Bigla yata ako kinabahan. Parang may mali. Kung wala si Lianna sa dorm nila, saan siya?

Umalis naman bigla si Keith at naiwan kami. Hahanapin nya siguro si Lianna.

Masama ang kutob ko, hindi ko alam kung bakit. Napatayo ako at tumingin kay Jessica na nalilito at nagtataka na.

"Jessica samahan mo daw ako sa dorm nyo" tumango siya at sumunod sa akin. Nauna akong lumabas at lumakad patungo sa direksyon ng dorm nila ni Lianna.

"Hindi ba kasama ni Keith si Lianna. Bakit niya hinahanap?"

Hindi ko siya nasagot dahil yan din tanong ko. Pagkadating namin ay dumiretso ako sa room ni Lianna.

Lumapit ako sa kabinet at tiningnan ang mga gamit niya.

"Bakit Cathy?"

Nandito naman yung mga damit nya.

"Hindi ba talaga umuwi dito si Lianna?"

"Hindi eh, hinintay ko pa nga sya kaya lang naisip ko na kasama sya ni Keith"

Imposible namang hindi yun dumaan dito at magbihis.

Lumabas kami at pumunta ni Jessica sa Canteen. Mukhang nakahalata na din sya na nawawala si Lianna.

Wala din! Walang Lianna'ng kumakain!

Sa Library!

Agad naman kaming pumunta dun. Nalibot na namin ang buong Library, pero walang Lianna kami nakita.

Baka sa Garden?

Pagkadating namin doon si Keith ang nakita namin.

"Keith si Lianna?"

"Wala sya dito" umalis naman sya bigla.

Nagkatinginan naman kami ni Jessica. Bakit ganun mukha nun? Saan na ba kasi si Lianna?

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon