Chapter 40: [1] She's Back

86.1K 2.6K 112
                                    

LIANNA's POV

Sa tatlong buwan na pagkawala ko alam kong may nagbago. At ngayong bumalik na ako haharapin kong lahat ang pagbabagong iyon.

Alam kong maraming nagtataka kung bakit ako umalis na lang ng walang paalam.

May dahilan ako. Dahilang hindi nila mauunawaan dahil hindi nila ako kilala. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko pero wala akong magagawa dahil biktima lang din ako.

Umangat ang tingin ko sa paaralang nasa harap ko. Nakakamiss ang academy na ito. Pati na mga kaibigan ko. Lalong lalo't nat yung taong mahal ko na naiwan ko.

Pumasok ako at ang Canteen agad ang unang pumasok sa isip ko. Agad akong pumunta rito.

Pagpasok ko ay walang estudyante, malamang oras ng klase pa ngayon.

Kumuha naman ako ng pagkain at umupo sa pinakadulong lamesa.

Handa na ba akong makita sila ulit?

Pano kung magtanong sila anong sasabihin ko, hindi pa ngayon ang panahon para malaman nila ang dapat malaman at isang tao pa lang ang nakakaalam kung ano ito at yun ay si HM Sapphire.

Napansin ko naman na biglang nag-ingay ang paligid, nakatalikod kasi ako sa entrance. Siguro ay Breaktime na.

Kamusta na kaya sila?

Siguro galit sila sa akin. Maiintindihan ko naman eh.

Kasalanan ko. Ano ba magagawa ko kung yung gabi na yun muntik ng mamatay ang kaisa-isang taong may alam sa lahat ng tungkol sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag pati ang taong yun ay mawala.

"Uhm...Excuse me miss pwedi paupo wala na kasing bakante" kilala ko ang boses na ito. Nakakamiss sila ah.

Humarap naman ako sa kanila. At gayon na lamang ang gulat nila.

"Kamusta!" nakangiting sabi ko sa kanila.

"WAAAAAAHHHH IKAW BA YAN LIANNA?"

Tumango naman ako. Namimiss ko sila, yung mga kagrupo ko dati sa Academy Battle.

"Anong nangyari sa buhok mo bakit kalahating puti at kalahating itim" si Alkyl habang tinitingnan yung buhok ko.

Lumapit din si Fiara at pinagmasdan ang buhok ko. Natawa na lang ako sa reaksyon nila.

"Di ko alam haha. Pero di nga kamusta kayo?" Liar. Isa rin to sa mga dahilan at patunay kaya bawal sabihin kung bakit.

"Ikaw ang kamusta? Hindi ka man lang nagsabi na aalis ka?" napalakas ang sabi ni Fiara kaya marami ang napatingin sa amin.

Namukhaan nila ako kaya hindi na naalis ang tingin nila. Pagkagulat ang nakikita ko sa kanila.

"Grabe Lianna umalis ka lang lalo kang gumanda, di kita nakilala agad" manghang mangha na sabi ni Alkyl nang suyudin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nag peace sign naman ako sa kanya.

Magkakasama pa rin pala silang apat, si Trey lang yata ang tahimik sa kanila.

"Kwento ka naman kung anong nangyari at bigla ka na lang umalis"

"Ah e-" Naramdaman ko namang may kumalabit sa balikat ko.

"Miss Mondarez pinapatawag po kayo ni HM Sapphire" di ko sya kilala pero nagpapasalamat ako na dumating siya. Tumango ako at tumayo.

"Ah sige guys sunod na lang"

Ngumiti ako.

"Ok lang Lianna may sunod naman eh"

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon