Chapter 7: Sitting Arrangement

156K 4.3K 350
                                    

SOMEONE's POV

"Mahal na reyna, nakapasok na po siya."

"Magaling. Ituloy nyo ang ginagawa nyo. Bantayan siya." Muli akong nagsalin ng alak at ininom ito.

Sa wakas ito na ang simula ng paghihiganti ko. At kung sino man ang pumigil ay kakaharapin nya ang kamatayan.

Hindi ko mapigilan ang hindi matawa nang dumako ang paningin ko sa isang larawan na nakasabit sa pader.

Madaling gamitin ang isang taong walang kamuwang-muwang sa mundo.


LIANNA's POV

"Lianna pano mo nagawa 'yon grabe ka!"
"Sige na!"
"Please!"

Kanina pa tong babae na 'to. Ang kulit. Nakita ko namang ngumuso sya.
Ang cute.

Sabi nya kanina yung kalaban ko daw ay Rank 1 na monster. Tapos isa pa lang daw nakakatalo nun at si Prince Keith daw.

Ilang beses na ako nakakalaban ng ganon kaya madali na lang sa akin na talunin yun. Nakakagulat kung ang sinasabi niyang Prince Keith pa lang ang nakakatalo sa paaralang ito. Ibig ba sabihin nun ay mahihina pa sila?

Mahirap sa una kung di mo pa alam ang kahinaan nya.

Dalawa lang ang kahinaan nya para matalo ang halimaw na iyon. Una ang tirahin sya ng tirahin ng kapangyarihan hanggang sa sumabog ang katawan nya. Pag sumobra kasi ang nakain nyang kapngyarihan ay unti-unting nasisira ang katawan nya.

At ang pangalawa ay gumamit ng bagay na maaring maka-apekto sa kanya tapos balutan mo ito ng isang barrier na magtatago ng kapangyarihan upang hindi mahigop ng katawan nya.
Pero kailangan mong maglabas ng malakas na kapangyarihan para maapektuhan ng husto ang katawan nya.

Sa dalawang nabanggit yung pangalawa yung ginawa ko. Iyon kasi ang pinakamadali sa lahat.

Mas maganda yung pangalawa kesa sa una , yung una kasi malaki ang magiging epekto nun sa iyo. Hindi unlimited ang kapangyarihan kaya mauubos ito at ilang araw pa ang kakailanganin para bumalik sa dati ang lakas ng kapangyarihan. Yung sa pangalawa naman hindi na masama pero nasasayo kung gaano kalakas ang kapangyarihang gagamitin mo.

Sa ginawa ko kailangan lang naman ng matinding concentration. Habang pinapalaki ko yung buto sa loob ng monster ay gumagamit ako ng kaunting powers hanggang sa lumaki ito at pwedi nang pasabugin. Ang tawag naman sa butong iyon ay Bomb Seed.

Medyo nahirapan lang ako palakihin yun kasi limang piraso at saka kung hindi ko nilagyan ng barrier ay mahihigop iyon ng katawan ng halimaw.

"Mamaya na promise. Magpapahinga lang ako."

Nakita ko namang tumango sya.

Mabuti naman. Gabi na ngayon at katatapos lang namin kumain ng hapunan. Pupuntahan ko na lang sya sa kwarto nya. Kunting pahinga lang kailangan ko.


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil na rin may pasok na ngayon. At maganda ang gising ko.

Maaga pa naman kaya luluto muna ako ng umagahan namin. Bumaba na ako agad at dumiretso sa kusina. Nakahanda na rin naman ang susuotin ko.

Nakita ko naman na pababa na ng hagdan si Jess. Kahit kailan talaga ang ganda nya. Magkahawig talaga sila ng isang yun.

"Kain na." Alok ko sa kanya.

"Magandang umaga Lianna." Bati niya.

"Magandang umaga rin."

Umupo naman sya saka nagsimulang kumain. Nasabi ko na pala sa kanya yung kinukulit - kulit nya at ayun sya manghang-mangha.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon