Chapter 45: [2] Fiancee

105K 3K 161
                                    

Thank you dahil umabot ka hanggang huling chapter ng kwentong ito. Salamat sa votes at comment na ipinamahagi mo. - btgkoorin💕

***

CATHY's POV

Matapos ang nangyari kahapon ay napuyat ako sa kakangiti. Mukha na nga akong tanga habang pabalik kami dito sa White Academy, epekto ng supresa ni Clide.

Naligo ako at nagbihis ng uniform. May pasok ngayon at ayaw kong lumiban. Ramdam ko may magandang mangyayari ngayon.

Pagkalabas ko ay sakto namang labas nina Angelica at Blake na nakauniform na din. Si Clide ay lumabas na rin at agad na inihapit ang aking bewang.

Nagngitian lang kami saka sabay na pumunta sa room namin.

Naabutan naman namin si Keith na maagang umalis kesa sa amin. Excited yata siyang pumasok kaya iniwan kami.

Bakit kaya ganyan sya makangiti ah?

Mukhang nahalata din nila. Pumalibot kami kay Keith na hindi oa rin inaalis ang ngiti.

"Naano ka Keith? Sinapian ka ba kaya ka ganyan makangiti?" si Clide

Hindi nya sinagot ang tanong ni Clide ko sa halip ay tumingin lang sya sa may pinto. Tumingin din kami sa pinto.

Sino kaya hinihintay nito?

Umupo na lang kami sa mga upuan namin at hinayaan siyang ngumiti nang parang wala ng bukas. Pumasok naman si HM Sapphire na nakangiti din.

National Smile Day ba ngayon?

"Morning! May bago kayong classmate and be nice to her. Come Iha"

Nagtataka naman kaming napatingin sa pinto. Pumasok ang babaeng nakangiti at humarap sa amin. Laglag panga naman akming nakatingin sa kanya.

What the f*ck!

"Good morning everyone. My name is Lianna Dewin and I can manipulate any kind of power."

What the...weh totoo nga?

"Hi Lianna" bati ni Keith na malaki ang ngiti at iwinagayway ang kamay para papuntahin si L-Lianna sa puwesto niya. Lumapit naman ito.

Baka namamalikmata lang ako o kaya nabingi lang ako.

Hindi sya si Lianna, Right?

"Kahapon mo pa ako iniinis ha!"

"Ikakasal na rin tayo. Masanay ka na"

"Ang manyak mo. Kissnapper. I HATE YOU"

"I LOVE YOU TOO"

Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata namin ng tumama ang suntok ni Lianna kay Keith. Natumba ang upuan ni Keith.

"Isang suntukan ka lang pala"

"Ang sadista mo talaga" tumayo naman si Keith habang nakangiti pa rin.

"Tss"

"Lianna?" tanong ko. Tumayo ako sa kinauupuan at akmang yayakapin siya nang magsalita siya.

"Hello! Anong pangalan mo?"

Nawala ang gulat sa aking mukha at napalitan ng sakit. Tinatanong niya kung sino ako? Hindi niya ba ako nakikilala?

"Cathy..."

Kulay itim na ulit yung buhok nya. At...at
Niyakap ko naman sya. Kahit na hindi niya ako nakikilala ay niyakap ko pa rin siya. Namiss ko sya sobra.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon