Chapter 27: Xerry Albueza

100K 3K 89
                                    

CATHY's POV

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng makabalik kami sa Academy. Kinalimutan na rin namin ang misyong iyon dahil sa katunayan hindi naman talaga iyon misyon kundi isa lamang pain.

Ngunit kahit ganun ay hindi mawala sa isipan ko ang lalaking iyon lalo na't isa siyang miyembro ng Dark Ace at mortal naming kalaban.

Minsan na namin silang nakabangga nung nagkakaroon kami ng mission.
Hindi pa namin nakikita yung mga mukha nila kasi laging natatakpan ng cloak na suot nila. Pero sino kaya sa apat yung lalaki na iyon?

Maliban pa dun, salamat na lang at hindi nagkaroon ng laban sa pagitan namin at ng lalaking iyon dahil malamang nasa paligid lang ang iba pa niyang kasama lalo na ang leader nila na si Ulter Dark. Mahirap na dahil hindi pa namin alam kung gaano kalakas siya at kung ano ang kaya niyang gawin laban sa amin. Kasama pa namin si Lianna.

Paano na lang kung makuha nila si Lianna sa amin at gawing bihag at ang masama pa ay gamitin siya laban sa amin at kung mangyari man yun ay hindi na namin alam kung anong gagawin. Hay!

"Ang lalim ah" napatingin ako kay Gel na nakatingin sa akin.

Wala kaming klase sa oras na ito dahil nagkaroon ng pagpupulong ang mga guro na pinangunahan ni HM Sapphire. Nung nalaman ng mga kaklase namin yun ay umalis sila at kunti na lang kaming naiwan.

"Iniisip ko lang yung myembro ng Dark Ace na biglang lumitaw nung sa Myrrey Academy tayo" sabi ko. Nakita ko pa ang paglingon sa akin nila Blake at Keith.

"Sa tingin ko may kinalaman sila" dagdag ko.
"Malamang"

*blag*

"Lianna bakit?" nagtatakang tanong ni Jessica sa nakatayong Lianna.

Nakatumba ang kanyang upuan at nakakuha yun ng atensyon sa iba. Seryoso lang ang mukha. Ano kaya ang problema niya.

Nagtatanong na tiningnan ko naman si Keith pero nagkibit balikat lamang siya at nagtataka rin kay Lianna.

"What's your problem Bitch?"

Hindi niya pinansin ang nagsalitang si Roxanne saka lumakad at padabog na isinarado ang pinto.

Makalipas ang ilang minuto ay muli itong nagbukas. Akala namin ay si Lianna pero isang humihingal na esrudyante pala. Tumingin siya sa amin at nagsalita.

"Royalties nagkakagulo po sa Young Ground"

Young Ground?
Hala yung mga bata.

Ang Young Ground ay lugar para sa mga batang nag-aaral sa murang edad, 15 ang edad pababa. Tinuturuan sila ng mga basic tulad ng sa Bronze Class.
Kasi lumalabas ang kapangyarihan kapag gustuhin nito. Pweding lumabas bata ka pa lang o kaya ang edad mo 16 pataas.

Tumayo naman kaming mga royalties saka nagmadaling lumakad. Nakita rin namin si Lianna na papunta rin dun kaya nagmadali kami hanggang sa masabayan namin siya sa paglalakad.

"What happened?" bungad na tanong ni Keith sa isang guro pagdating namin sa Young Ground.

Nakakarinig kami ng pagsabog kaya natataranta kami. May lumalabas ding usok sa ibang bahagi ng paaralan.
Ang tanong, sino ang may gawa nito? Sumugod ba ang mga Darkens dito? Dark Ace?

"May isang batang babae kasi na bigla na lang tinira yung mga kaklase nya ng Itim na Apoy" aniya.

"Yung mga bata po kamusta?"tanong naman ni Angelica.

"Nasa isang Room sila. Pero yung natamaan ng batang babae ay malala ang kalagayan na dinala agad sa clinic."

"Ilan po sila, yung natamaan" tanong ko naman.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon