LIANNA's POV
"Hoy Lianna mag-ayos ka na!"
"Ang aga aga pa Jess!" ang excited masyado.
Nakahiga lang kasi ako sa kama habang tahimik na nakipagtitigan sa kisame.
Alas tres pa lang ng hapon at mamaya pang alas sais ang simula. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagmamadali siya. Susuot lang naman ng gown at kunting palamuti sa mukha ay pwedi na.
Nilingon ko siya. Hawak ang isang gown na dark blue ay itinapat niya ito sa sarili habang tinitingnan ang repleka sa salamin. Nang makapili ay itinabi niya ang isang hawak.
Pareho kaming napatingin sa may pinto ng kwarto ko nang may kumatok dito. Si Jessica ang lumapit at nagbukas ng pinto. Nanatili naman ako sa pwesto.
"Hello guys, dito kami bibihis" Nakangiting bungad ni Cathy. Sa likod niya ay ang nakangiting si Angelica habang hawak-hawak ang isang royal pink ball gown. Silver naman ang kay Cathy.
"Ha?"
"Oh Lianna bakit nakahiga ka pa dyan bangon na" pinansin pa ako.
"Mamaya na" iniwas ko ang tingin sa kanila at nagtakip ng kumot.
Parang gusto ko lang humiga at matulog dito sa kama maghapon. Kung pwedi ay dito na rin ako kumain ng hapunan at maagang matulog pagkagabi.
"Anong mamaya na? Tara na aayusan kita!" tinanggal ni Cathy yung kumot na nakatalukbong sa akin at nakakunot noo akong tiningnan.
"Maaga pa" sabi ko sabay pikit at tinalikuran sila. Narinig ko naman ang buntong hininga nila.
"Mag-ayos na kayo, sunod lang ako."
Sa totoo lang may iba pa akong dahilan kung bakit ganito ako. Pinagiisipan ko pa ang gagawin ko mamaya. Isang bagay na nakasalalay ang lahat ng tungkol sa akin.
Pero bago yun ay papatapusin ko muna itong Ball.
"Lianna may damit ka na?" tanong ni Cathy.
"Wala pa"
"Ha! Dapat nagsabi ka agad para nadalhan kita" tss.
"Huwag nyo akong problemahin, problemahin nyo yung sarili nyo"
Hindi problema ang damit, kaya ko gumawa nun.
Tumahimik naman sila. Pero maya-maya lang ay nagkukulitan na sila. Hindi akonakikisali kundi nakikinig lang.
5:30 na ng hapon at bihis na silang tatlo. Maganda at bagay rin sa kanila ang ayos nila. Ang gaganda nga nila sa suot nila.
Bumangon ako at sumandal sa may headbord ng kama.
"Wag mong sabihin na di ka pupunta Lianna?"
"Sinong may sabi?" Kung pwedi lang nga kaya lang ayaw kong mapahiya yung Hubby ko.
"Mauna na kayo, susunod lang ako" Tumango na sila pero kita sa mukha nilang gusto nila akong sumabay sa kanila. Susunod naman ako eh.
Ilang minuto na lang magsisimula na ang Academy Ball at pagkaalis nila ay umalis ako sa kama.
Parang wala akong lakas ngayon pero kailangan.
Nilagyan ko ng Aether flower yung bahaging kanan kong bewang. Umilaw ito pababa papaunta sa paa ko habang nagkakaroon ng parte ng gown. Tulad ng kulay ng mga elemento ay ganun din ang kulay ng gown ko, kumikinang din ito dahil sa mga maliliit na diamond. Umakyat naman ang ilaw pataas hanggang ulo ko.Tube gown ang kinalabasan, nakapusod na din ang buhok ko na may laylay ng ilang hibla.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...