Chapter 22: Meet his Parents

114K 3.5K 656
                                    

LIANNA's POV

*yawn*

Kakagising ko lang ngayon.  Parang gusto ko lagi na lang may activity kasi walang klase -_-

Ayoko pumasok makikita ko na naman yung mukha ng bruha. Sino pa ba eh di si Roxanne. Malamang gaganti yun dagil sa pagkatalo.

Dalawang araw simula nung natapos ang Battle. Nakaka-miss, pati na rin yung mga kagrupo ko.

Dalawang araw na din ako sa dorm lang natutulog, binabawi ko lang yung lakas na nawala sa akin.

Lunes na naman ngayon. Makikita ko naman si Keith- este yung mga Royalties. Si Jess nga di ko alam kung saan pumupunta.

Maka-asikaso na nga pero kasi inaantok pa ako eh. Matulog na lang ako sa klase pwedi naman siguro magpaalam lang sa guro.

Ginawa pang tulugan ang room, eh kasi nga basta kulang ako sa tulog. Kahit na lagi akong tulog.

Pagkatapos ko ay nagteleport na lang ako sa may pintuan ng room ko.

Natawa nga ako kasi biglang nagulat yung isang estudyante na palabas sa room. Kahit na papikit - pikit na yung mata ko tuloy-tuloy pa rin ako ng lakad.
Yung mga nakaharang naman sa daanan ko tumatabi.

*yawn*
Inaantok talaga ako.

Pagkarating ko sa upuan ko ay agad akong nag-nap sa lamesa.

Naramdaman ko namang may naglalaro sa buhok ko, pero wala akong pakialam antok ako eh. Kulang pa yung tulog ko.

"Sleepy Idiot Tss Girl" si Tss Boy pala.
Hindi ko sya pinansin.

Tuloy tuloy pa rin yung paglalaro nya sa buhok ko. Inggit ba sya sa buhok ko?

Sabihin nya lang at tutulungan ko sya kung paano mapaganda at magpahaba ng buhok tulad sa akin.

"Sleepy Idiot tss Girl wake up"-Keith
"...."
"Hey wake up"
"...."

Tahimik lang ako at nakapikit ang dalawang mata. Gusto ko pang matulog, mga limang araw.

"Hey, gising na sabi ayaw mo! iwanan namin ikaw"

Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya. Haha ang cute nya talaga.
^__-

"Tss." Yan na naman sya sa famous line nya.

Tumayo naman ako habang humihikab pa. Nakita ko naman yung mga Royalties at si Jess na nakatingin sa akin.

"Bess gising na tulog pa yata yung diwa mo" -Jess

"kulang ako sa tulog" sabi ko at humikab.

"Grabe ka naman nagkulong ka nga sa dorm ng dalawang araw para matulog kulang pa din."

"Sensya naubos yata yung lakas ko eh" pumikit ulit yung dalawang mata ko.

"Haha" -Cathy/Angelica/Clide

"Tara na" yaya ni Blake.

Sumusunod lang ako sa kanila kahit na nakapikit ako. Sinusundan ko yung mga aura nila para hindi ako mawala. Para akong walking dead.

Sila naman nagkukwentuhan lang. Minsan tungkol sa kapalpakan nila minsan naman sa kagalingan nila.

Nagmulat naman ako. Bakit parang iba yatang daan yung tinatahak namin hindi papunta sa Canteen.

"Sa-"

"We're going to White Palace"
Hindi pa nga ako tapos magsalita sinagot na nya agad. Tiningnan lang ako ni Keith.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon