LIANNA's POV
Natapos ko na din ayusin ang gamit at mukhang kailangan ko nang sumunod kay Jess at kumain. Dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Bumaba muna ako sa kusina para tumingin kung may pagkain. Nakalimutan kong hindi pala ako nakakain kanina bago ako pumasok dito. Binuksan ko ang ref pero isang galong tubig lamang ang bumungad sa akin kaya agad ko itong isinara.
Paano nga pala ako makakasunod kay Jess kung hindi ko alam kung saan matatagpuan ang canteen?
Paglabas ko sa dorm. May nakita akong dalawang babaeng nag-uusap sa daanan palabas.
Di ba nga sabi ko hindi masama ang makinig kung naririnig naman, mas lalong hindi masama ang magtanong.
"Miss, saan ba papuntang Canteen?"
Tanong ko sa babaeng nasa kaliwa."Mukhang bago ka lang miss, ito o." Pagkasabi nya ay may inabot sya sa akin na papel at umalis na sila.
Ano naman ito?
Pagkabukas ko isang mapa ang bumungad sa akin. Ang destinasyon nito ay papuntang canteen. Paano nya kaya nagawa yun? Kapangyarihan?
Sinusunod ko naman yung sa mapa.
May red dot doon kung saan kapag lumakad ako ay gumagalaw din kaya di sya mahirap. Tumitingin naman ako sa harap baka kasi may makabanggaan ako. Pero huli na ang lahat sa kakatutok ko sa mapa.
"Ouch!"
May nabangga ako.
"Sorry!" Paumanhin ko at sabay yuko. Naman kasi bakit ba nakalimutan kong tumingin sa dinadaanan ko!
"Try to look in your front, bitch!"
Pagkasabi nyang yun ay napangiwi ako. Parang nakuryente ako. Napatingin naman ako sa kanya, alam kong syang may gawa nun.
Kahit gusto ko man magreklamo ay mali pa rin ako kaya hindi ko na lang pinansin. Dumiretso ako sa loob ng Canteen kaya lang marami ang nakatingin sa akin. At may nagbubulungan pa na rinig ko naman.
"Lakas nya namang banggain si Roxanne."
"Siguro kung malakas yun siguro kanina pa sya nakahilata haha!"
"Weak!"
"Kibago-bago di kinikilala ang binabangga. Napaghahalataan na gustong maging usap-usapan e!"
Mabait akong tao pero kapag nasobrahan nagiging iba ako. Atsaka sino ba yung nabangga ko? Roxanne? Sino ba siya?
"Kung magpaparinig kayo siguruduhin nyong di rinig ng pinariringgan nyo."
Malakas na sabi ko at alam kong rinig ng lahat yun at wala akong pakialam. Ano ngayon kung bago? Bawal na ba tumanggap ang school na ito? Bakit pinapasok ako kung hindi na pwedi?
Nagsimulang magsilabasan ang mga halaman ko sa katawan ko at natatakot akong hindi ko makontrol ang sarili ko.
Kalma lang Lianna!Hindi ibig sabihin na bago ako ay hindi ako marunong makisabay sa ugali nila. Ang tapang magsalita wala namang binatbat.
Ganyan ba sila mag-welcome ng bagong student dito? Bakit di rin ba sila dumaan sa pagiging bago? Di nag-iisip masyado pang mapanghusga.
Binayaran ko ang kinuhang pagkain at agad na umupo sa harapang upuan ni Jess na agad kong nakita.
Malamang ay nakita niya.
Pasensya naman, masama kasi akong magalit kapag gutom! Di mapigilan. Nakita pa tuloy ni Jess. Baka matakot sya sa akin! Posible naman yun sa ganda kong ito. Inihawi ko ang buhok sa isip.
Ang umangal pangit.
Kinain ko agad yung mga pagkain sa harap ko at sa totoo lang marami akong kinuhang pagkain. Basta pagkain magkakasundo tayo!
Masama magalit kapag sa harapan ka ng pagkain. Save!
JESSICA's POV
Hindi lahat ng dyosa nasa langit,
Yung iba nasa lupa nakikisingit.Nakakatakot magalit si Lianna. Di ko talaga siya gagalitin, promise! Pero kapag nagalit ko sya patay ako. Handa na ang balat kung kasing puti ng singkamas at kasing kinis ng pinakamakinis na balat ng prutas!
Ang OA ko.
Balik na tayo sa kanya. Grabe ang ganda ng mata nya. Kakaiba kasi berde sya tapos yung sa gilid nya may nakapabilog na kulay ginto. Ang ganda sobra. Nakakatakot naman yung vines na ginamit nya. Ang tatalas at ang lalaki ng tinik.
Pagkatapos nya namang kumuha ng pagkain ay nakita ko namang papunta sya sa akin. Seryoso, ang daming pagkain syang bitbit. Halatang gutom!
Para syang dyosa na naligaw sa school namin. Nagbalik na din pala yung tunay na kulay ng mata nyang golden brown. Hindi lang ako ang nakatingin sa kanya halos lahat ng tao dito sa Canteen, sa kanya ang atensyon.
Tapos na akong kumain pero sya di pa din kasi nauna naman ako kesa sa kanya papunta dito.
Paano kaya sya nakapunta dito eh ang layo ng dorm namin dito sa Canteen?
Nakakatuwa syang kumain, punong-puno yung bibig nya. Bumubukol kaya halata haha.
Napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya kaya tiningnan nya rin ako.
"Bashitgashankastumishin?"
Ano daw? Nagsasalita kasi punong-puno pa yung bibig nya di ko tuloy maintindihan yung sinasabi nya.
Tumuloy na lang sya sa pagkain hanggang sa naubos nya na lahat ng kinuha nya.
Umalis naman kami ka-agad.
Nakakatuwa lang na tahimik ngayon ang canteen haha. Ikaw ba naman maka- encounter ng isang estudyanteng iba kung magalit tapos baguhan pa.
Mukang exciting ang taong ito ah!
____
-btgkoorin-
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...