Chapter 39: Dark Ace

82.4K 2.6K 510
                                    

ULTER DARK's POV

"Sigurado ka ba Princess?" tumango naman ako sa kanya saka kinuha ang hood ko at isinuot.

"Let's go" Isa-isa naman nilang sinuot yung mga hood nila at sumunod sa akin palabas ng aking kwarto.

"Ulter!" nilingon ko si Inang reyna at ngumisi sa kanya. Yumuko naman ang mga kasama ko bilang pagbigay galang sa kanya.

"Ano po iyon Mahal na Reyna?"
"Saan ang punta niyo?"
"May tuturuan lang ng leksyon, Mahal kong Ina!"

Hindi siya nagsalita at tiningnan lamang ako bago pumasok sa kanyang silid.

Ang ina kong nagturo sa akin kung paano pumatay at maging masama sa lahat. At ituring na mahihina lahat ng Whitenians.

Pasesnsya na ina, kung nakakatakot ka ay mas nakakatakot ako.

Napangisi na lamang ako bago magpatuloy ng lakad palabas ng palasyo.

Huminto ako at agad silang kumapit sa akin. Pagkailang segundo lamang ay nasa harap na namin ang aming pakay.

White Academy...

And the Royalties.

CATHY's POV

Lianna saan ka na ba?

Magta-tatlong buwan na wala ka pa rin!

Saan ka ba pumunta di ka man lang nagpaalam sa amin? Nag-aalala na kami sayo oh! Lalo na yung Boyfriend mo.

Bumalik ka na!

Malapit na ikasal yung boyfriend mo sa iba eh.

"Honey tara samahan mo ako sa White City, maglibot tayo" bakit ba namin kasama ang babae na ito! Nakakainis. Ang kulit-kulit nya pa.

Nakakawalang ganang pumasok naman oh!

"Stop thinking of her.Let's go!" Malamig na turan ni Keith.

Wag nyang sabihin na sumusuko na syang hindi babalik si Lianna?

Nagtinginan naman kaming naiwan.

"Sumusuko na kayo?" pambasag na tanong ko sa kanila.

Hindi naman sila nagsalita at nag-iwas lang ng tingin.

Kung ganun sumusuko na sila.

Tatlong buwan pa lang naman ah! Wala agad sila tiwala kay Lianna.

Pagkadating namin sa room ay kanya-kanya kaming umupo sa upuan namin. Tanging pag-atras ng upuan at tapak lang ang maririnig.

Ganito na simula ng umalis si Lianna. Ang lakas ng epekto ng pagkawala niya.

Dumating pa yung babae na yun, babaeng sinasabi sa prophecy na mapapangasawa ni Keith. Anak ng Goddess.

Pati yata si Keith ayaw na hintayin si Lianna. Ipapalit na nya yata si Lianna sa babae na yun!

"Royalties may mga Darkenians po sa labas ng gate" napatingin kami sa nagsalitang estudyante.

Anong sabi nya? Darkenians?
Problema na naman ba?

Tumayo naman kami agad.

Pagkadating namin sa gate, maraming estudyante ang nakaharang. Tumabi naman sila ng nakita nila kami.

Ang ganda ng view noh!

May pahawak-hawak pa sa braso ni Keith ang nalalaman ni Impakta.

'Pasensya na goddess naaasar lang ako sa anak nyo eh'

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon