LIANNA's POV
Ang sakit pala yung tinalikuran ka ng mga kaibigan mo. Nawala na lang bigla yung pinagsamahan nyo.
Salamat na lang kay Cathy dahil naunawaan nya ako. Sinabi ko sa kanya lahat at alam kung hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa nalaman. Kung ano man ang sinabi ko sa kanya ay sa kanya lamang iyon.
Ano ba yan namanaga na yung mata ko eh.
Siguro di na ako tatagal ng limang araw dito. Baka hanggang bukas na lang.
Nagteleport lang ako papunta sa office ni HM Sapphire. Kaya lang nandun pala yung mga Royalties.
Buti na lang naka invisible ako agad kaya di nila ako makikita at ini-sealed ko muna yung kapangyarihan ko.
Si Cathy naman halata pa sa kanya ang pag-iyak. At yung iba naman ayun parang wala lang.
At si Keith seryoso lang. Hindi na nya ba ako mahal. Kasi ako mahal na mahal na mahal ko sya eh. Unang lalaki na minahal ko at unang lalaki na sumakit sa nararamdaman ko.
Akala ko ang tulad ko ay hindi makakaramdam ng pagmamahal pero lahat yun nagbago simula nang pumasok ako sa paaralang ito.
"Total wala namang may balak magsalita sa inyo, pinatawag ko kayo para paalalahanan na sa linggo na ang pag-ataki ng mga Darkenians sa atin, kaya sana maghanda na kayo." ani HM Sapphire
Nagulat sila pero ang komento ay sa sarili lamang.
"May tiwala ako sa inyo, may taong tumutulong sa atin para mapatibay ang barrier sa Academy na ito at sabi nya makakaasa daw na matutulungan niya tayo sa paglaban. Makikilala nyo din sya sa tamang oras at panahon"
Lahat sila napatingin sa sinasabi ni HM Sapphire. Nagtataka siguro sila kung sino iyon.
"Bukas ay magkakaroon ulit tayo ng pagpupulong para sa plano. Maaari na kayong bumalik sa dorm nyo." Pagkasabi ni HM ay umalis na kaagad sila.
Hinintay ko muna hanggang sa hindi ko na maramdaman yung mga awra nila saka ako nagpakita .
"Giving a hint huh!"
"Yeah"
"Alam ko yung nangyari sa Canteen" tumango ako.
"Bukas na ako aalis, may aasikasuhin pa ako. Malapit na ang takdang araw. Kailangan ay makabalik ako dun baka makahalata sya. Ikaw na sana ang bahala dito HM Sapphire."
Tumango lang sya at nagteleport na ako.
Sa garden ako napadpad.Mag-isa na lang pala ako ngayon.
Gabi na rin.
Nagteleport lang ako sa dorm namin ni Jess. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Jess. Ang ganda nya talaga. Umupo naman ako sa tabi ng kama nya. Habang sya naman mahimbing na natutulog. Hinahaplos ko lang yung buhok nya.
Sana Jess maintindihan mo ako.
Bukas aalis na ako.
Mahalaga ka sa akin Jess, isa ka sa hindi ko makakalimutan kahit anong mangyari. Unang kita ko pa lang sayo, namukhaan ko sya sayo yun pala ay magkambal kayo.
Jess maraming salamat sayo.
Ki-niss ko sya sa forehead saka dahan-dahan ulit lumabas.
May pupuntahan pa ako.
At yun ay sa kwarto ni Keith. Nagteleport lang ako. Naka-sealed muna yung powers ko para hindi nya maramdaman.
Mahimbing naman syang natutulog. Kaya lumapit at umupo ako sa kama nya. Kahit kailan talaga ang ganda ng room nya. Napakalinis.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...