Chapter 9: Royalties

143K 4.3K 280
                                    

LIANNA's POV

Ang sarap mo sapakin Lianna, Ano naman ang ginawa mo! Pwedi ba mag-ayos ka hindi katulad ng school mo ang school na ito! Pero naman kasi tama lang yun sa kanya.

Ano ba yan pati sarili ko kinakausap ko.

Tahimik akong naka-nap sa mesa. Pinipilit kong matulog kaya lang hindi talaga ako makatulog. Wala rin naman akong kausap. Nahaharangan kasi ni Mr. Qarrsette si Jess. Eh ayoko naman kausapin tong katabi ko.

Kapital N-A-K-A-K-A-H-I-Y-A.

*poke*

Sino ba to?
Inaangat ko naman yung ulo ko baka si Jess lang.

"Hi " si Princess Cathy pala.

"Pwedi bang sa amin ka sumabay kumain" nakangiti siya sa akin. Nakakahiyang tanggihan. Pero si Jess kasi.

"Kung gusto mo isama mo sya" sabi naman ni Princess Angelica.

Yun bang pinalilibutan ka ng mga Princess at Princes. Kung sa iba lang na pagkakataon ay mas gusto ko silang kalabanin kung gaano ba talaga sila kalakas. Kahit sino naman ang makatalo sa isang princesa o prinsepe ay isang karangalan na.

"Nakakahiya sa inyo" baka maistorbo ko lang sila. Saka nandyan naman si Jess. Ayos na ako.

"Sige na please" napa-buntong hininga ako at ngumiti. Tiningnan ko si Jess at naka-ok sign pa.

"Tara na dali" ang hyper din pala ang isang to, hilahin daw ba yung braso ko tapos ipulupot yung braso nya dun.
Tiningnan ko naman si Jess na 'tara-na- look'.

Nakakailang yung mga tingin nila. Halos lahat ay sa amin ang paningin. May nagbubulungan pero kadalasan ay parinig. Inggit!

Katabi ko pa itong si Prince Keith. Si Princess Cathy kasi hilahin ba naman ako sa tabi ni Prince Keith pero tabi ko sya sa kabilang side ko. Ganito yung arrangement.

Prince Keith | Ako | Princess Cathy
Prince Clide| Table | Jessica
Prince Blake | Princess Angelica

Pinalibutan nila ako. Hindi naman ako tatakas ah haha.

"Ito na yung pagkain nyo oh" inilagay ni Prince Clide yung dala niyang pagkain sa mesa ganun din si Princess Cathy. Sila ang nagpresenta na kumuha. Nag-aaway pa nga.

Ini-urong ko ang platong may pagkain palapit sa akin. Sa totoo lang pareho-pareho kami ng pagkain.

"Maaga pa naman. Dalawang oras pa bago yung sunod nating class, Kwentuhan muna tayo dito pagtapos kain." ani ni Princess Cathy.

Close na agad sila ni Jessica pareho kasing mga maiingay pati ni Princess Angelica. Ang iingay kumain tapos mamaya sasabat si Prince Clide pero binabara lang siya ni Princess Cathy. Yung sina Prince Blake at Prince Keith naman ang tahimik. Natandaan ko yung mga pangalan nila dahil sa pagpapakilala kanina. Pati mga powers nila at kung anong Kingdom sila.

Si Princess Cathy Fuerro, Earth Manipulator at Princess ng Terra (earth) Kingdom.

Si Princess Angelica Gamstarden, Water Manipulator at Princess ng Aqua (water) Kingdom.

Si Prince Clide Terysgarf , Air Manipulator at Prince ng Aer (air) Kingdom.

Si Prince Blake Wensteril , Fire Manipulator at Prince ng Ignis (fire) Kingdom.

At si Prince Keith Fierrystan, Aether (four element) Manipulator at Prince ng Whitens Teritory.

"Oy Lianna bakit ang tahimik mo" napatingin ako kay Princess Angelica dahil sa sinabi niya. Napunta sa akin ang mga atensyon nila. Ganun na ba ako katahimik para mapansin nila.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon