Chapter 25: Invisible Bridge

99.2K 3K 107
                                    

CATHY's POV

Nakakapagod maglakad. Kung kaya ko lang gumawa ng portal kanina ko ginawa.

Tapos si Lianna naman, sya pa rin yung nauuna sa paglalakad. Alam nya kaya kung saan yun?

Maski nga ako di ko alam kung saan.
Ang laki kaya ng mundong ito..Malay ko ba sa mga academy na yan. Saka bago ko pa lang narinig yang Myrrey Academy na yan.

"Keith malapit na ba tayo?" tanong ni Clide. Di na rin pala makatiis ang gunggung na ito.

Hay naku Clide asahan mong hindi ka sasagutin nyan, sasagot lang sya kapag tinopak.

Ang pagod kayang lumakad ng lumakad tapos di mo pa alam kung saan naroroon yung papupuntahan nyo.
Galing diba.

Pagod na ako.

"Lianna alam mo ba kung saan yun" tanong naman ni Gel.

"Malapit na tayo" aniya at tuloy lang sa paglakad.

"Sigurado ka?"
"Oo naman ^__^" tugon nito.

Pagkarinig ko nang sagot ni Lianna ay mabilis akong lumakad hanggang sa maunahan ko si Lianna sa paglalakad.

Gusto ko na talaga kasing magpahinga eh. Inabutan na kami ng hapon sa paglalakad.

ANGELICA's  POV

Nakatingin lang ako sa paligid. Dahil may nararamdaman akong parang buhay na nandito lang sa paligid.

Yung simoy ng hangin at galaw ng mga halaman parang may iba.

Medyo mapuno na kasi yung dinadaanan namin o sa tamang term gubat yung nilalakaran namin.

Bago lang sa panrinig ko yung Myrrey Academy. Bagong school siguro.

Dahil iba pakiramdam ko nagtanung ako kay Lianna. Napanatag naman ako nung sinabi nyang malapit na kami.

Kaya lang nagtataka ako kung bakit parang alam nya kung saan yun. Baka naman nadaanan nya lang kasi sabi nya kapag may hinanap syang halaman nakaka-explore sya.

"Waaaaaahh"
Napatingin naman ako sa unahan.

Sabi ko na eh.

May nakaabang lang sa paligid.
Pinupulatan si Cathy ng mga brown na bagin. Napatingin naman ako sa paligid.
Brown na bagin.

THIRD PERSON's POV

Habang abala naman sa pag-alis sa mga bagin si Cathy ay abala din sa pagtira ang ibang royalties sa mga bagin na nakapalibot pa rin sa kanya.

Samantala si Lianna naman ay hinahanap yung pinagmulan nito. Nagtataka kasi sya nung tinira ito ng mga royalties ay halatang walang epekto ito at humihigpit ito sa katawan ni Cathy.

Puro hiyaw lang ang nagagawa ni Cathy dahil sa sakit na nararamdaman mula sa paghigpit ng mga bagin. Natataranta naman yung iba dahil napapansin nilang hindi tinatablan yung mga bagin.

Habang abala ang lahat hindi nila alam na unti-unti na ding pumupulupot ang ibang bagin sa katawan ni Angelica.
Napasigaw din ito dahil sa biglang paghigpit nito.

Nadoble yung taranta nila dahil nga sa ganun din ang nangyayari kay Angelica.

Pati rin si Keith na may kakayahang kontrolin ang anumang uri ng halaman ay kanina pa napapamura dahil kanina pa nya sinusubukan kontrolin yung mga bagin pero bigo sya.

Yun din ang unang naisip ni Lianna ang kontrolin ito pero tulad ni Keith ay bigo din sya.

Di Kalayuan may dalawang tao na kanina pa nakamasid sa kanila. Tahimik lang ito sa pwesto sa taas ng puno at natatakpan ng mga dahon. Nag-aabang kung ano gagawin ng mga nasa baba.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon