Chapter 26: Myrrey Academy

100K 3K 461
                                    

CATHY's POV

*yawn*

"Morni---Lianna? Angelica?"
Saan na sila?

Lumabas naman ako sa higaan namin. Pano kung iniwan nila ako? Hala huhu.

"Clide gisingin mo na nga yun" boses ni Angelica
"Bakit ako?" si Clide.
"Bilisan mo na aalis pa tayo" si Lianna
"Sige na, sige na, bakit kasi hindi na lang kayo katabi nyo yun eh"
"Paki mo"

"Di na kailangan gising na ako guys" singit ko sa usapan nila.

"Tara na" tumango kaminng lahat kay Keith.

Nagsimula naman kaming lumakad.
Walang katapusang lakad haha.

"Cathy oh" tinanggap ko naman yung apple na binigay sa akin ni Angelica.

SOMEONE's POV

Ano ba yan di pa sila nakakahalata.

Poor them.

CATHY's POV

"Sigurado? Ito na ba yung school na pupuntahan natin" tanong ko sa mga kasama ko.

Nandito kasi kami sa harap ng gate tapos hindi pa makita kasi wala man lang butas yung gate. Ang taas pa.-__-

Nakagulat ako nung biglang bumukas ito. Napaatras naman kami dahil sa liwanag. Ang silaw.

Wow O_O.
Ang ganda.

Ito na ba yung Myrrey Academy.
Astig.

May mga estudyanteng palakad lakad , yung suot nila tulad sa amin pero kulay green lahat.

My ghad ang gagwapo nung mga lalaki tapos yung mga babae naman wala kang maipintas sa itsura. Seryoso, lugar ata ito ng mga perpekto.

"Magandang araw mahal na mga Prinsepe at Prinsesa, sumunod po kayo sa akin." Kagulat yun ah. Bigla ba naman lumitaw sa harapan namin. Sumunod naman kami sa kanya.

Ang ganda dito.
Pero mas maganda sa Academy namin.

Dinala nya kami sa harap ng pintuan na kulay green with linings of white glitters.

"Mrs. Myrrey nandito na po sila" sabi nya at umalis na.

"Pasok" boses ng babae sa loob ng room. Si Mrs.Myrrey siguro, baka sya ang may ari ng school.

Pumasok naman kami.
Bumungad sa amin ang babaeng nakaupo sa center table saka yung lalaking gwapo na nakupo sa may sofa.

"Maupo kayo" aniya.
Umupo naman kami sa may kalapit na sofa saka umupo.

Nagsimula naman syang magkwento kung anong nangyari. Pinakita nya din sa amin kung saan nakalagay yung bato.

***

Kagagaling lang namin sa office ni Mrs. Myrrey. Tapos yung lalaki naman kanina dun ay anak nya pala.

Ipinaliwanag naman din sa amin yung impormasyon about sa nawawalang jade crystal stone.

Papunta daw kami ngayon sa magiging pahingahan namin. Kasama namin yung lalaki na anak ni Mrs.Myrrey.

Gwapo my ghad.

"Hoy ano na nga pangalan mo?" tanong ni Lianna.
"Bakit?"
"Puro ka tanong, sagutin mo na lang"

Di ko ba nasabi na katabi nya si Lianna habang naglalakad.

"Mytt"
"Sure ka?"
"oo bakit?"
"Para kasing pambabae...aray" daing ni Lianna ng batukan siya ni Mytt. Nakita ko pa ang pagsama ng tingin ni Keith na nasa tabi ko lang.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon