ALKYL's POV
"Are you okay?" rinig kong tanong ni Prince Keith kay Lianna.
Bigla namang bumalik sa dati yung kulay ng mata niya. Napakaganda nitong tignan pero nakakatakot at mararamdaman yun pati sa aura niya.
"Anong nangyari?" Tanong niya. Hindi niya ba alam?
"Don't mind it, let's go. All of you go to your dorm" nagsimula naman nagsitalikod yung iba. Kami kami na lang ng mga kagrupo ni Lianna at si Prince Keith ang naiwan.
"Lianna are you okay?" tanong ulit ni Prince Keith.
"Ah oo, nga pala Alkyl,Yinn,Fiara,Trey magpahinga na kayo kita-kita nalang bukas" pagkasabi niya yun ay ngumiti siya sa amin. Saka tumingin kay Prince Keith at tumango.
Ang ganda niya talaga.
Swerte ni Prince Keith sa kanya, di lang sya maganda, mabait pa.
LIANNA's POV
Dual Battle na ngayon waaaaah.
Alam kong ipapanalo yan nila Yinn at Alkyl."Para sa ating pangalawang paligsahan ang Dual Battle, ang maglalahok na lamang ay ang Group 1, 2, 5,8,12,15,21,25,32 at group 38.
Alam kong nakapili na din yung mga leader ng bawat grupo kung sino ang ilalaban nila. May mag papaikot ng box kung saan bubunot ang leader ng group at kung anong letra ang nabunot nila na kapareho ng isa pang grupo ay yun ang maglalaban.Tatawagin ko yung mga letra ay ibig sabihin umpisa na ang laban. Sa unang round ang matitira ay limang group lamang.
At sa huling round ay kailangang apat na group na lang ang matitira. Bubunot ulit yung limang group na natira sa box kung ang nabunot nila ay may letrang F sila ang lalaban at kung sino ang manalo sa kanila sila ang makakasama sa Final Battle ang One on One Battle.
Maari na kayong bumunot"
Bumunot naman ako sa box.
Sino kaya?Letter R
Sinong kapareho nung nakuha ko?"Kung nakabunot na kayo hintay na lang kung tatawagin ko na ang mga letrang nabunot niyo.
G"
Pumunta naman sa gitna yung dalawang babae mula sa grupo ni Jess. Hoo sila pala yung unang lalaban.
Pumunta din yung sa grupo ni sino nga to, yung katabi ni Jess sa room si Reese Qarsette yata. Group 25 si Jess at group 38 naman si Reese.Nagsimula naman silang lumaban.
Masasabi mo din na magagaling sila. Pero sabi nga nila kahit na gaano ka pa kagaling may mas magaling pa rin sayo, kung matalino ka nmay mas matalino pa sayo. Kaya wag ka makampante malay mo namalayan mo na lang talo ka na pala.Sabi ko na nga ba masyadong kampante eh tah naisahan tuloy sila.
"Group 25 will be in"
Waah sila bess Jess pasok. Maganda to ah.Sana makalaban ko siya.
Wala pa nga akong technique kung paano talunin ang ice ay meron na pala.
And that is secret haha."Next letter R"
Napatingin naman sila sa akin."Oh kayo na galingan nyo ah" ngiting sabi ko kay Yinn at Alkyl. Tumango naman sila.
"Wag kayong kabahan, kalma lang"
Tumango ulit sila saka pumunta sa gitna kung saan naka paikot kaming sampung group.Naks ang galing kalaban pa ng grupo ko yung grupo ni Roxanne. Group 21 sila.
Maganda nga yan hahaBago pa man makasugod yung dalawang babae ay napaluputan na yung mga paa nila ng pinaghating White Dimity ni Yinn saka binalibag.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...