Chapter 30: Kiss

101K 3K 487
                                    

LIANNA's POV

"Lianna tara na malapit na magsimula oh" sigaw ni Jessica sa labas ng kwarto ko.

Kanina pa ako tapos mag-ayos kaya lang hindi ko talaga maiwasang hindi magtampo sa kanila. Bakit hindi nila sinabi sa akin na birthday pala ni Keith ngayon tuloy wala akong regalo. Hihingi na lang siguro ako ng paumanhin.

Napatingin ako sa orasan. 6:50 pm. May sampung minuto pa bago magsimula ang party. Baka mag teleport na lang kami.

Umikot ako sa harap ng salamin habang tinitingnan ang sarili ng mabuti. Ang gown na suot ko ay padala mismo ni Keith. Anya ay ito daw ang suotin ko kasama na ang crown. Pero hindi ko sinuot dahil hindi naman ako prinsesa rito.

Isang pasada ulit sa salamin ay lumabas na rin ako sa kwarto. Agad ko rin nakita si Jessica na nag-aabang sa akin habang suot ang blue na gown niya.  Ang akin ay baby pink ang kulay.

Pareho kaming nakapusod ang mga buhok. Bagay na bagay sa mga suot namin.

Hinawakan ko siya sa kanay at nag-teleport sa harap ng Palasyo.

Ulit, wala akong regalo. Ang prisensya siguro ay sapat na para sa kanya.

 Ang prisensya siguro ay sapat na para sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CATHY's POV

"Cath ang tagal naman nila Lianna, malapit na magumpisa" sumang-ayon ako sa kanya. Kanina pa kami naghihintay dito malapit sa pinto para abangan ang dalawa.

Maraming bumabati sa amin na ka-eakwula. Angat din kami dahil sa koronang nasa ulo namin.

Malapit nang mapuno ang hall ng palasyo at malapit na ring magsimula.

Kinakabahan ako. Si Lianna ang ka-partner ni Keith at kailangan siya mamaya pag-akyat kaya lang mukhang mag-isa yata si Keith mamaya.

"Wala pa ba?" tumango ako sa sumulpot na si Blake kasama niya si Clide. Si Keith ay malamang kasama ang mga magupang nito.

"Jessica" tawag ni Angelica

Nilingon namin agad ang papalapit na Jessica sa amin at nagtakang mag-isa siya. Nasa'n si Lianna?

Pero ang ganda niya sa gown niya. Feel ko uulan ng yelo.

"Si Lianna?"

"Naiwan sa labas may gagawin pa daw kaya pinauna niya ako dito"

"Ha?" napalakas ata ang sigaw ko. Ngayon pa talaga.

Lalabas sana kami kaya lang nagsalita na ang tagapagsalita ng pagdiriwang. Wala kaming nagawa kundi ang bumalik sa mesa namin at makinig sa harap.

Sana lang ay pumasok na si Lianna.

Lumibot ang tingin ko. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng pagkaka-ayos ng hll ng palasyo. Gold ang tema. Sa gitna nakalatag ang pulang carpet at sa harapan naman ay may maliit na entablado. Sa gilid naman nakalagay ang mga pagkain at regalo para kay Keith.

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon