LIANNA's POV
Isipin nyo paano ako nakaalis sa pwesto namin ni Keith.
Tinulak ko po sya.
Joke lang. Natulugan pala ako nun tapos pagkagising ko wala na sya. Oh diba hindi manlang nagpaalam. Yaan na.
"Lianna excited na ako"
"Halata nga eh" papunta kasi kami ngayon sa Battle Field.
"Oh dito na pala kayo" salubong sa amin ni Princess Cathy sa pintuan.
"Oo haha"
Pumasok na kami at nagtipon muna sa gitna, ipapaliwanag daw kasi yung mga gagawin. Day 1 ngayon ibig sabihin Group Battle. Sino kaya makakagrupo ko?
Pumunta naman sa gitna si HM Sapphire.
"Ang tema ng ating Group Battle ngayon ay pilian, may lalabas sa harap nyo mismo na isang maliit na papel na puti"
Pagkasabi nyang iyon ay may lumabas nga, hinawakan ko naman yung papel medyo makapal sya kunti yung bang parang may laman na kung ano.
"Ngayon buksan nyo na yung papel"
Agad ko namang binuksan yung akin. Pula, pulang papel ang nasa loob nun. Ano kaya ibig sabihin nun. Umikot naman ang paningin ko sa iba, may yellow naman.
Yellow at pula lang ang makikita na hawak ng iba.
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit kulay pula at dilaw yung papel na nasa loob, yan ay dahil may nirerepresent ang dalawang kulay na yan. Ang mga kulay na yan ay sadyang lalabas kung makakasali ka o hindi."
Sana kasali ako. Sana.
"Ang lahat ng nakakuha ng dilaw na papel ay maari ng pumunta sa mga upuan"
Sumunod Naman ang iba yung iba naman nagtataka pero sumunod na din.
Ano ba ibig sabihin ng dilaw??"At kayong mga natira ay kayo ang maglalaro" Woah kasali ako. My ghad ang saya.
Kaya lang paano naman yung hindi nakasali, sayang naman yung pag-eensayo nila. Saka parang unfair naman ata yun.
"Lianna kasali ako waaah" napatingin naman ako sa masayang si Jess.
"Ako din" Napatingin naman sa amin ni Jess yung mga Royalties at ngumiti naman kami, ginantihan lang din kami nina Cathy , Angelica at Clide, yung dalawa naman naka smirk , problema nila.
"Tingnan nyo yung mga papel na nakuha nyo, may lalabas na Group no. At yun ang group nyo. Para mahanap nyo kung sino man ang kagrupo nyo sa taas may makikita kayong screen at nakalagay doon ang group number nyo at sa ibaba ng screen na yun ay ang magiging leader nyo, 200 kayong lahat na natira , 40 na group lahat na may taglilimang myembro."
Group no. 2 ang nakalagay sa papel ko.
Sino kaya yung leader.*poke*
Napatingin naman ako dun sa kumalabit sa akin. Ang gwapo nya."Ah...eh..oh" napatingin naman ako sa tinuro nya. Ngek isang screen sa taas ko, ibig sabihin ako yung leader. Maganda yun.
Napahiwalay na pala ako kina Jess.
"Ah group no. 2 ka pala , Lianna pala ikaw" sabi ko sabay lahad ng kamay ko
"Trey" nag shake hands naman kami.
"Uhm hi po" napatingin naman ako sa likod ko, dalawang babae ang gaganda nila.
"Hi leader, Yinn pala" nakipagshake hands naman ako, ang cute ng hair nya black with touch of white.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...