CATHY's POV
"Malalaman mo din Keith sa tamang oras at tamang panahon...PAALAM"
"HM Sapphire Bakit---" umiwas ako ng tingin kay Keith nang makita ang naguguluhan nitong mukha.
"May tamang oras at tamang panahon para sabihin ang lahat-lahat. Wala akong maisasabi sayo sa ngayon ngunit darating din ang oras na yun. Tandaan mo lahat ng bagay may dahilan, mali man sa paningin mo ngayon pero masasabi mong tama pala kapag nakita mo ang totoo. Ang lahat ng sekreto mabubunyag sa araw na yun. Simulan nyo na pag-eensayo!" ani nito bago umalis.
Napayuko ako. Tulad ko malamang na alam din ni HM Sapphire ang totoong katauhan ni Lianna.
"Si L-Lianna?" nag-aalangan pa siyang magtanong sa amin. Hindi niya nga pala alam na ayos na kami.
"Naka-alis na sya Jessica"malungkot na sabi ko sa kanya.
"Ang daya nya, mag-uusap pa kami!" nilapitan naman sya nilapitan namin sya ni Angelica at niyakap.
"Babalik din sya, magkakabati pa kayo."
Nung unang pinaliwanag nya sa akin lahat, naguluhan ako. Hindi ko alam kung paano pagkakasyahin sa isip ko lahat nang yun.
"Cathy may nasabi ba sya sayong iba?"
Umiling naman ako sa tanong ni Keith.
Patawad Keith tulad ng sabi ni Lianna, hindi ko pweding sabihin sayo.
Mas domoble ang paghanga ko sa kanya. Mas tumaas ang tingin ko sa kanya. Ang lumuhid at magbigay galanag ay kusa kong ibibigay kay Lianna.
Sa lahat nang pinagdaanan niya isa lang ang napagtanto ko...
Paano nga naman maiisahan ang isang tulad nya gayong mas makapangyarihan pa sya sa lahat.
***
Lumipas ang ilang araw na puro pag-eensayo ang pinagkakaabalahan namin. Naglagay din kami ng ilang mga patibong sa paligid.
At ngayon handa na kami...
Makikitang normal na araw lang sa Academy ang araw na ito, ang araw ng simula ng pagtatapos. Maraming estudyante ang palakad-lakad at nagkukwentuhan sa daan pero isa lamang itong patibong. Ang totoo ay planado na to para mapagana ang mga patibong sa paligid. May isang lugar din kung saan mag-iipon lahat ng estudyanteng mahina sa pakikipaglaban.
Pagnatapos ang sampung segundo inaasahan ang lahat ay nakasunod sa plano. Ang planong ito ay bawat silid ang pag-announce. Dahil kung malawakan at publiko ay makakatunog ang kalaban na alam namin ang pagsugod na gagawin nila.
Ayon nga sa plano nakapwesto na lahat ng estudyante na makikipaglaban.
Kaming mga Royalties naman ay nasa Field.
Nakahanda na rin ang mga Kingdom at Main Palace sa magaganap.
At bilang mag-aaral sa White Academy tungkulin naming pangalagaan ito.
"Mag-ingat kayong lahat"
Ang boses na iyon ni HM Sapphire sa isip namin ang nagpatango sa amin.
Para sa Paaralang ito. At kay Lianna.
THIRD PERSON's POV
Habang abala sa paghihintay ang mga Royalties sa Feild ay nagsimula ng magsilabasan ang mga Darkenians sa labas ng Barrier at unti-unti nitong sinisira ang Barrier.
Nagsimula ang laban nung nakapasok ang mga ito dahil sa isang itim na bolang tumupok rito.
Ang iba ay nadadali sa mga patibong na nakahanda sa paligid.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...