Chapter 11: Find the Ball

130K 3.8K 296
                                    

LIANNA's POV

"All Gold Class students proceed to the forepart of Violet Forest now." mula sa isang tinig sa speaker ng building.

Nagtayuan na silang lahat pati ako. Siguro ay may activity kaya pinapapunta kami doon.

Nagsilabasan na lahat at nagpahuli naman ako. Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Isang linggo pa lang ako dito ay nakaya kong sumabay sa kanila.

"Faster"

Napatingin naman ako sa likod ko. Akala ko'y ako ang nahuhuli hindi pala. Pwedi bang Keith na lang ang tawag ko sa isip lang naman eh.

Nagkasabay kami sa paglakad sa daan, ang bagal ko nga talaga. Tiningnan ko siya at lumingon naman siya sa akin. Nginitian ko lang siya at naalala ko ang ginawa ko sa kanya kahapon.

"Sorry pala kahapon, sa pagkurot ko sa pisngi mo nanggigil lang talaga ako promise kung gusto mo gantihan mo na lang ako" paumanhin ko.

"tss" yan lang ang naging tugon niya at saka mabilis na lumakad.

"famous line mo yata yan, hindi ka ba marunong ngumiti?" tanong ko sa kanya habang sinasabayan ang bilis niya sa paglakad.

Bumagal ang paglakad ko at sinimangutan siya. Hindi man lang namansin. Hindi man lang sumagot ng maayos. Kinakausap ng maayos pero tinalikuran lang ako.

Ako na nga 'tong humihingi ng paumanhin ako pa 'tong hindi pinansin. Ang hirap niyang kaibiganin!

ANGELICA's POV

Wala namang kakaiba sa kanya. Normal lang din naman siya pero malakas at bihasa sa kapangyarihan. Mabait at palangiti. Normal na katangian ng isang magaling na estudyante.

Pero---aisst kung ano na naman ang naiisip ko.

Sa totoo lang kanina pa kami nakikinig ni Cathy sa dalawang nasa likod. Nakikiramdam kung baga.

Si Cathy naku kanina pa halatang kinikilig -__-"

Nakarating din kami sa forepart ng Violet forest at sa unahan nito ay naka-abang si HM Sapphire sa amin. Nakangiti ito at mukhang siya ang magpapa-activity sa amin.

"Magandang umaga mga Gold Class, wag na pala kayo magulat kung bigla na lang kayong ipinapatawag haha.
By the way, Ang activity na ito ay tinatawag na 'Find the Ball' kailangan nyong hanapin ang 3 pcs. na ball sa loob lamang ng 30 minuto, pwedi din gumamit ng kapangyarihan ngunit tatlong beses lang, kasing laki ito lamang ng isang fist ang sino mang unang tatlong tao ang makakuha nito ay may reward na matatanggap at malalaman nyo din kung ano yun mamaya. Kapag nahanap na lahat nang di umabot sa itinakdang oras ay kusa kayong babalik dito lahat. Maguumpisa ang laro kapag natapos ko nang sabihin ang clue. Ready?" aniya.

Tumango naman kaming lahat.

"Woah astig" rinig kong sabi ni Lianna sa likod. Malamang ay bago pa sya dito.

"At ang clue ay
'Unahan
Hulihan
Gitna
Isip at Pakiramdam ang Taya'."

Pagkatapos nya ay nagsimula na kaming pumasok sa Violet Forest.
Kaya itong tinawag na Violet Forest kasi violet ang kulay ng mga halaman at dahon ng puno. Kapag nasisinagan ng araw ay kumikintab ang gubat. Napakaganda pero kailangang mag-ingat. Dahil hindi lahat ng nakatirang nilalang dito ay maamo.

Lumingon ako sa pinanggalingan namin, tatlo na lang sila ang natitira si Keith, Blake at Lianna. Ano kaya ang plano nang dalawa na ito? Si Lianna kaya anong gagawin nya?

White AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon